Demokrasya sa Pilipinas, Nanganganib !

Rey Tamayo, Jr.

Tila unti unting tinatagpas ng kasalukuyang administrasyon ang demokrasya sa bansang Pilipinas. Ito ang naging  pananaw sa isinagawang pag-aaral ng Freedom House na nakabase sa Estados Unidos. Ayon sa nasabing komite, inalis nito ang Pilipinas sa listahan ng mga demokratikong bansa mula sa pagiging “totally free countries” at nalaglag sa “partly free” na lamang.

Kasama ng bansang Pilipinas na nasa partly free country ang mga bansa sa Asya tulad ng Afghanistan, Bangladesh, Timor-Leste, Fiji, Malaysia, Nepal, Papua New Guinea, Singapore, Tonga at  Sri Lanka. Ayon pa sa survey ng Freedom House ang dahilan kung bakit bumaba ang antas ng demokrasya sa bansa ay dahil sa paglobo ng bilang ng mga insedente sa political at extra judicial killings, panggigipit sa media, pang-aabuso sa kapangyarihan ng gobyerno at ang talamak na korupsyon sa bansa.

Ayon  kay Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo, ang isa sa mga mayor parte kung bakit nasira ang imahen ng Pilipinas sa International community kung ang pag-uusap ay hustisya sa bansa ay dahil diumano kina Department of Justice (DOJ) Secretary Raul Gonzalez at National Security Adviser Norberto Gonzales. Mula nang manungkulan umano sa gabinete ni Pangulong Arroyo ang dalawang Gonzales ay naging peligroso na ang lagay ng justice system sa bansa.

Matatandaang sa kasaysayan sa Pilipinas, naging agresibo ang demokrasya sa bansa noong dekada 50’s sa pangunguna ni dating Pangulong Ramon Magsaysay. Kinilala noon ang Pilipinas bilang isang malayang bansa na pangunahing tagapagtaguyod ng demokrasya sa Asya.

Iginiit naman ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na nananatiling matatag ang demokrasya sa bansa at umuusad ang proteksyon sa karapatang pantao. Ipinagmalaki kamakailan ng Pangulo  na  hindi titigil ang pamahalaan hanggang hindi tuluyang nareresolba ang bawat kaso ng human rights’ violations sa bansa.

Tutol ang maraming lider ng Simbahang Katoliko at maging ang ilang media organization sa pahayag na ito ng Pangulo. Kumbinsido si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa resulta ng pag-aaral ng Freedom House dahil  ramdam ng mga Pilipino na unti unting pinapatay ang demokrasya sa bansa. Ang walang habas na panggigipit sa Philippine media, ang malawakang patayan laban sa mga aktibista’t militante at  ang korupsyon sa gobyerno ang pangunahing dahilan kung bakit nasa “partly free” ngayon ang bansang Pilipinas.

About these ads

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.