News and Rescue ng UNTV, Pinaigting

Rey Tamayo, Jr.

Mas lalo pang pinaigting ng UNTV News and Rescue Team ang natatanging adbokasiya ni Kuya Daniel Razon na Tulong Muna Bago Balita – ang kauna-unahang News and Rescue operation sa Pilipinas na ang pangunahing rumiresponde sa mga aksidente ay mga reporter, cameraman at driver na sumailalim sa pagsasanay tulad ng Basic Life Support (BLS).

Matatandaang buwan ng Hulyo taong 2010 ay opisyal na inilunsad ang mga pagsasanay ng mga media practitioner ng UNTV sa Metro Manila at sa mga karatig na probinsya. At makalipas ang mahigit apat na buwang pagsasanay, kasabay ng pagsalubong ng pagpapalit ng taon (December 2010) ay pinatunayan ng buong puwersa ng UNTV sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t ibang organisasyon at ahensya ng pamahalaaan ay matagumpay na naisakatuparan ang nasabing proyekto na tulungan muna ang mga naging biktima ng insidente bago kumuha ng ibang detalye upang ibalita.

Ang natatanging sistematikong proyektong ito ni Kuya Daniel ang nagbukas ng bagong mukha sa mundo ng pamamahayag. Bagay na isinasaisantabi ang ideyang indibidwalismo sa pagbabalita. Hindi na baleng hindi makakuha ng esklusibong balita, matulungan lamang ang mga biktima nito.

Ang tradisyunal at nakakahong ideyalismo sa larangan ng pamamahayag ay tahasang binasag at winakasan ng UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel.
Ang panibagong pagsasalarawan ng paghahatid ng makabuluhang balita ay hindi lamang nililimitahan sa pagkuha ng detalye, anggulo, impormasyon at kritisismo ng isang pangunahing pangyayari. Saklaw nito ang ekstensyon ng pagkakawanggawa at pagtulong sa kapwa tao hindi lamang sa mga kapus-palad kundi maging sa ating mga kababayang naipit sa gitna ng sakuna, aksidente sa lansangan at mga biktima ng iba’t ibang krimen.

Kamakailan, patuloy ang enhancement program ng UNTV News and Rescue Team at ng Philippine Red Cross Emergency Response Unit (PRC-ERU) kung saan isang joint rescue technique ang pinag-aralan ng dalawang grupo.

Ito ay ang pagsasagawa ng extrication technique gamit ang Kendricks extrication device (KED) na kadalasang ginagamit sa isang pasyente na biktima ng pagkabangga at naipit sa loob ng sasakyan. Ang nasabing pagsasanay ay bunsod na rin ng pangangailangan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kahalintulad na sitwasyon.

Nagdagdag din ng mga bagong kaalaman ang mga rescuer sa iba’t ibang alternatibong paraan upang mas mapabilis ang extrication process sa ligtas na paraan.

Tinalakay din sa basic life saving techniques at home safety precaution seminar ang proseso ng first aid response sa ibat ibang emergency cases.

Kaalinsabay nito, nagsasagawa rin ng mga simulation exercises tulad ng basic ropemanship and knot tying, high angle rescue techniques at iba pa.

Iba’t ibang rope rescue operation rin ang sinubukang gawin gaya ng kung paano ibababa ang isang pasyente sa gilid o sa pader ng mataas na building kung sakaling hindi na magagamit ang hagdanan o elevator.

Inaasahang magpapatuloy ang enhancement program ng UNTV at Red Cross para sa mas epektibong rescue operations at mas pinaigting na pagbibigay serbisyo sa publiko.

Samantala, batay na rin sa datos na naitala ng UNTV News and Rescue, noong taong 2011, mayroong 283 Trauma cases ang naitalang nirespondehan. Nakapaloob dito ang motorcycle accidents, fire, assault (Stabbing), assault (biting), assault (mauling), collapsed structure, bomb explosion, ammonia leak (hazardous material), hit and run, demolition, suicide attempt, self accident. Pinakamarami rito ang vehicular accidents kung saan umabot sa 166 na kaso sa Metro Manila pa lamang. Umabot naman sa 61 medical cases ang naitala kabilang na ang food poisoning, cardiac arrest, at neuro / behavioral cases.

Taong 2012, mayroong 309 na insidente ang nirespondehan sa Metro Manila, 56 naman sa Cebu, at 20 aksidente naman sa Pampanga at inaasahang tataas pa sa pagsalubong sa pagpapalit ng taon.

Ang aksyon na ito ni Kuya Daniel ay isang kongkretong manipestasyon na ang pagtulong sa kapwa tao ay marapat lamang na samantalahin hangga’t mayroong pagkakataon na makatulong sa nangangailangan.

Hindi lamang sa pangangalap ng balita nagtatapos ang tungkulin ng mga mamamahayag sa publiko kundi hanggang sa pagtulong sa kapwa.

Pinatunayan na ng mahabang panahon at karanasan na si Kuya Daniel Razon at ang UNTV ang simbolo ng tunay na serbisyo publiko sa bansa.

1

2

3

4

5

6

8

Photo/s by: Leo Estabillo / PVI

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.