Peryodista Kontra Libelo

pic_45.jpg

Rey Tamayo, Jr.

]May tatlong pinakamahalagang kagawaran sa ating lipunan na siyang pundasyon ng isang demokratikong republika tulad ng Pilipinas. Una ang tagapagpaganap (Executive) na pinangungunahan ng punong ehikutibo kasama ang kaniyang bise presidente at sampu ng kanilang mga kinatawan sa bawat departamento. Ikalawa, ang tagapagbatas (Legislative) na binubuo ng dalawang sangay, ang senado at ang mababang kapulungan kongreso. Ikatlo, ang panghukuman (Judicial) na binubuo na ng mga huwes, hukom at ng mga mahistrado.

At ang isa pa sa may pinakamahalagang papel sa ating lipunan ay ang mga mamamahayag o peryodista na itinuturing na ikaapat na estado (4th state) partikular na sa ating bansa. Ang isa sa mahalagang tungkulin ng ikaapat na estado ay bantayan ang kalagayan at integridad ng ating bayan laban sa mga taong mapagsamantala sa karapatan ng bawat indibiduwal.

Ang mga peryodista din ang pangunahing naghahatid ng makabuluhang balita at impormasyon sa publiko. Naitala na sa ating kasaysayan ang mahalagang papel ng mga propaganistang manunulat sa ating bayan upang imulat ang sambayahang Pilipino sa makatotohanang kalagayan ng ating bansa at ang mga repormang maaaring gawin upang makawala sa imperyalismong pamamahala.

Ngunit nakakalungkot isipin na sa ating panahon ay tila baga nahaharap sa maraming suliranin ang ating mga mamamahayag. Matatandaang noong nakalipas na taon ay sinampahan ng kasong libelo ni First Gentlemen Jose Miguel “ Mike” Arroyo ang may halos apat na pu’t dalawang mamamahayag (42 journalist). Kabilang na dito ang ilang personalidad na maituturing na haligi ng panulat gaya nila Amado Macasaet, Ramon Tulfo, Jose Dalisay Jr. Ellen Tordesillas, Isagani Jambot, Beting Laygo Dolor, Ninez Cacho-Olivares, Erwin Tulfo, Letty Jimenez-Magsanoc, atbp.

Bukod pa sa mga kasong libelo laban sa mga peryodista, pagkondena naman ang itinugon ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) sa lomolobong bilang ng mga mamamahayag na pinapatay. Tinatayang mayroon ng 50 journalist ang pinatay sa ilalim ng administrasyong Arroyo. Si Hernani Pastolero isang local newspaper editor na nakabase sa Sultan Kudarat ang kauna-unahang manunulat na pinatay ngayong taong 2007.

Nakababahala ang pangyayaring ito na lantarang pagsikil sa karapatan ng pamamahayag (freedom of the press) sa ating bansa. Magugunita na ang Pilipinas ay pangalawa sa pinaka mapanganib na bansa para sa mga mamamahayag sa buong mundo matapos ang bansang Iraq.

Ayon sa nakasaad sa Revised Penal Code (RPC # 363) maaaring masangkot sa kasong libelo ang mga sumusunod na posisyon ng isang pahayagan; ang publisher, writer ng nasabing artikulo at ang business manager kung ito’y papasa sa apat na elemento ng kasong libelo.

Una, kung ang nasabing artikulo ay defamatory.
Ikalwa, kung ito’y malicious.
Ikatlo, kung ito’y nalaman ng publiko (publicity)
At ang ikaapat, kung may pagkakakilanlan (identifiable)

Ngunit nakakalungkot isipin na ang ilan sa mga kasong isinasampa sa isang partikular na mamamahayag o brodkaster man ay nagiging biktima ng pang-aapi at hindi makatarungan upang makamit ang patas na hustisya lalo na’t kung ang nagsampa ng kaso ay malakas ang impluwensiya sa ating gobyerno.

Ang dapat sanang pagtuunan din ng pansin ng ating mga mambabatas ay rebisahin o gumawa ng panibagong batas na nagtatadhana na ang kasong libelo ay mapaloob na lamang sa mga kasong sibil at hindi bilang isang kriminal na kaso. Minsan nang binalak ni Sen. Aquilino “Nene” Pimentel na rebisahin ang nasabing batas ngunit tila natulog lamang ito sa senado.

Kung gagawan lamang ng aksiyon ng ating mga senador at mga kinatawan sa kongreso na maipagtanggol ang karapatan ng ating mga manunulat at brodkaster na sa kasalukuyan ay niyuyurakan ng mga maimpluwensiyang tao sa ating lipunan upang lumpuhin sa napakalaking piyansa at takutin upang huwag na lamang ibulgar sa publiko ang kabulukan ng mga taong mapangabuso sa ating mga kababayan. Ngunit tungkulin ng ikaapat na estado na pangalagaan at bantayan ang kredibilidad ng publiko kahit na may nakaambang libelo sa kanilang makatotohanang pag-uulat alang alang sa bayan.

Advertisements

Armas nga ba ang Solusyon?

pic_6.jpg

Rey Tamayo, Jr.

Naglaan diumano ang administrasyong Arroyo ng 10 bilyong pisong pondo sa pamunuan ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) upang paigtingin ang kampanya nito kontra terorismo sa ating bansa. Inaasahang magagamit ang naturang pondo sa pagbili ng mga modernong kagamitang pandigma tulad ng helicopter, assault rifles, tactical radio, bullet proof vest at mga patrol boats upang sugpuin ang mga armadong gerilya sa bansa tulad Abu Sayyaf Group , Moro National Liberation Front at ilang grupo ng mga pinaghihinalaan terorista.

At ang isa sa mga mayor parte ng malaking halaga ng modernization budget ng AFP ay upang tuluyang mawala sa landas ng gobyerno ang mga komunista na hadlang diumano sa pag-unlad ng bansa. Tinatayang mahigit sa 6,000 armadong rebelde (New People’s Army) ang nakakalat sa buong bansa na minamaniobra ng Partido Komunista ng Pilipinas (CPP).

Ang strategic defeat na ipinanukala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay nais maisakatuparan ng gobyerno hanggang sa taong 2010. Kaalinsabay pa ang pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law na nilagdaan kamakailan. Ngunit hanggang saan ang saklaw ng strategic defeat ng pamahalaan?

Ayon sa ilang makakaliwang grupo na lantarang kumokondena sa administrasyon hinggil sa malawakang patayan sa bansa, isa rin itong taktika upang patahimikin ang mga kritiko ng rehimeng Arroyo. Bukod sa mahigit 6,000 aktibong rebelde at lahat ng opisyal ng Communist Party of the Philippines mula sa kanilang komite hanggang sa mga lider ng partido sa mga munisipyo hindi katakataka na madawit din sa konsepto ng strategic defeat ang mga militanteng lider ng mga legal na organisasyon sa kongreso at maging sa ilang sangay ng ating lipunan gaya ng Bayan Muna, Kilusang Mayo Uno, Gabriela, Anakpawis, Bagong Alyansang Makabayan, Akbayan at ang mga grupo ng mga kabataang tulad ng Anakbayan at League of the Filipino Students na may naitala ng mga miyembro nito na misteryosong nawawala at ang iba’y pinatay.

Anila, mas lalong dumami ang bilang ng mga pinaslang kabilang na dito ang mga lider militante, aktibista at maging sa hanay ng mga mamamahayag na hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring kaso ang hindi nabibigyan ng katarungan. Tinatayang mayroong 244 ang pinatay na miyembro ng ilang party list groups mula nang manungkulang si Pangulong Arroyo noong 2001 hanggang 2006. Matatandaang dismayado ang marami lalo na ang mga pamilya ng mga biktima sa inilabas na ulat ng Melo Commission hinggil sa kanilang malalimang pag-iimbestiga kaugnay sa nagaganap na malawakang patayan sa bansa.

Ang senariong ito ay tila baga naganap na noong panahon ng dating Pangulong Ramon Magsaysay ng pasimulan niya ang malawakang kampanya upang itumba ang lumalakas na komunista sa bansa. Nagawa ng pamahalaan noon na malupig ang mga rebeldeng Huk na pinamumunuan ni Huk Supremo Luis Taruc noong taong 1950’s. Ngunit magkaiba ang kalagayan ng CPP na siyang may kontrol ng NPA at ang unang Partido Komunista na siyang mayhawak naman ng Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (Huk).

Una, sandaling nanahimik ang mga miyembro ng Huk sa panahong yaon sa dahilang binigyan sila ng pagkakataon na makapagbagong buhay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga lupa upang kanilang sakahin at magbalik loob sa gobyerno. Ngunit iba ngayon ang sitwasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng komunista. Kaliwa’t kanan ang pag atake ng dalawang grupo upang ibagsak ang kani-kanilang katunggali at maipagtanggol ang kanilang pinaniniwalaang idealismo.

Sa isang banda, may bentahe ang ating mga militar upang labanan ang komunismo at terorismo sa bansa sa tulong ng makabagong armas na pandigma. Ngunit sa isang tala na iniukit na ng kasaysayan, matatandaang noong 1975 nabigo ang Estados Unidos na ibagsak ang komunista buhat sa North Vietnam at nagawa pa nitong sakupin ang South Vietnam sa kabila ng pagkakaroon nito ng modernong kagamitan gaya ng tangke, helicopter, baril atbp. Patunay lamang na hindi sapat ang makabagong armas upang tuluyang makamit ang tunay na kapayapaan sa isang bansa.

Saan nga ba kumukuha ng mga kagamitang pandigma ang CPP-NPA upang tuluyang makipaglaban sa gobyerno sa pamamagitan ng armas?

Matatandaang sa isang pahayag noon kay Gregorio “Ka Roger” Rosal sa isang panayam, ang AFP pa rin diumano ang numero unong pinagkukunan ng mga armas ng NPA sa kanayunan.

Kaya’t hindi lamang sa pamamagitan ng armas makakamit ang kapayapaan sa ating bansa kundi ang isa sa mas mabisang paraan ay ang pakikipag-ugnayan tungkol sa usapang pangkapayapaan ng magkabilang panig.

Panlilio’s Real Fight Has Just Begun

Ricky Gelido

The most dramatic part of 2004 elections could be the entry of the Catholic priest Ed Panlilio for the Pampanga gubernatorial derby. When Panlilio launched his candidacy, he had no machinery. When he broached the idea of entering politics, many doubted his victory.

Among Ed, as his supporters call him, won by a slight margin of about 1,147 votes from his closest opponent, Lilia Pineda. Magalang town delivered the final blow to his opponents Mark Lapid, son of actor Lito Lapid, and Pineda. It was reported that Panlilio was trailing behind Pineda by 552 votes before the Magalang votes were canvassed. Mayoralty bet Ricardo Erese helped Panlilio’s candidacy in Magalang.

An issue of the Phillipine Daily Tribune editorial describes Panlilio’s victory as “the most stinging slap” to President Gloria Arroyo. It could be because Pampanga is GMA’s bailiwick. She has former Mark Lapid, son of her trusted ally, Sen. Lito Lapid. She also has Board Member Lilia Pineda, wife of the alleged jueteng czar, Bong Pineda. She also has his son Rep. Mikey Arroyo. However, in GMA’s own province where she has two gubernatoriables from her camp, an independent candidate won.

Between Scylla and Charybdis, represented by the alleged jueteng queen and the alleged quarrying king or prince, Panlilio launched the “Operation Courage” encouraging the voters to choose the good over the evil. He became victorious.

But his real fight has just begun.

Panlilio could be regarded as a sheep on the Augean stable, a giant killer on the loose or a dove in the snake pit of politics. The Panlilio victory may have been called by many as a miracle in Pampanga. To some, it could also be a new brand of politics or a promise of a new tomorrow. But the realization of Gov. Ed’s hopes for Pampanga must be seen.

Now that the election is over, a daunting challenge is before Gov. Ed. Fighting corruption could be a quixotic ideal in a polluted system but he has already proven his worth when he fought and defeated the two “windmills” of Pampanga. Eradicating jueteng in a place where it is deeply-rooted seems to be an insurmountable assignment but he already won despite the alleged vote buying, vote padding and shaving. The next stage will be no easy mission for Panlilio.

If the people delivered Gov. Ed the winning votes during the elections, they should support him until the end of his term. Without public support, Governor Ed could not be victorious against jueteng, corruption and other important crusades of the province. The “EDsa Power in Pampanga” that put Panlilio in the provincial government should be equaled as he will take a bigger and more crucial fight against the existing system in his province.

Let all the concerned Filipino people watch out. Not that they don’t trust Gov. Ed. But they have just to guard him that he will not be engulfed by the raging waves of the system. The people should help him be safe and be principled enough in the pit of serpents of jueteng operators and corrupt people.

Gov. Ed’s entry to politics could be a drama but the saga continues until he leaves his office. With the help of the electorate who gave him the mandate to be the governor, he must deliver to his “cabalens” the best things possible. There are still many things to be done. His real fight has just begun.