Villar o Pimentel : bilang Senate President sa 14th Congress

villarb.gifpimentel.gif

Rey Tamayo, Jr.

Isa sa mga pinakaaabangang scenario sa pagbubukas ng 14tn Congress sa Senado ay kung sino kina incumbent Senate President Sen. Manny Villar at Minority Leader Sen. Aquilino Pimentel, Jr. ang uupo bilang bagong halal na pangulo ng Senado.

Matatandang nagkaroon na ng pagpupulong ang mga GO senators noong Hunyo 22 upang pag usapan ang tungkol sa pagpili ng Senate President sa dahilang hawak ng oposisyon ngayon ang mayorya ng senado. Ngunit hindi naging matagumpay ang nasabing pagpupulong kung saan ay anim na senador lamang ang dumalo sa dahilang ang ibang miyembro ng Opposition senators ay nasa ibang bansa, bukod pa ang kinakaharap na kaso ni GO Sen. Antonio Trillanes na kasalukuyang nakapiit ngayon sa Fort Bonifacio at wala pang linaw kung pahihintulutan siya ng Korte Suprema na makadalo sa mga session sa Senado.

Hindi naman makikialam si dating Pangulong Joseph Estrada kung sino kina Villar o Pimentel ang kanyang babasbasan, aniya, ipapaubaya niya na lamang ang pagpili ng Senate President sa mga kaalyado niyang senador na nanalo noong nakalipas na eleksiyon sa ilalim ng Genuine Opposition. Maging ang pamimili ng mga komite ng mga GO senators ay didistansya ang dating pangulo sa dahilang internal na usapan na ang mga ito.

Ang nais lamang ni dating pangulong Erap Estrada na tuparin ng mga nanalong senador ang kanilang mga pangako lalo na ang mga binitawang salita sa kampanya na bibigyan ng pansin ang mga maanomalyang kaso tulad ng Hello Garci scandal, Jose Pidal scandal, fertilizer scam ni Jocjoc Bolante at ang mga paninindigan nito hinggil sa isyu ng Charter change (Cha-Cha) kung sakaling buhayin ng mga kaalyado ni pangulong Arroyo ang pagaamyenda ng saligang batas.

Samantala, nakatakda namang magsagawa muli ng isang pagpupulong ang United Opposition sa pangunguna ng pangulo nitong si Makati mayor Jejomar Binay upang mapag usapan ang isyu hinggil sa Presidency sa senado.

Inaasahang makikilahok sa nasabing pagpupulong bago sumapit ang Hulyo 23 ang mga nanalong senador sa katatapos na halalan tulad nina Manny Villar, Panfilo Lacson, Chiz Escodero, Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, Noynoy Aquino maging ang limang nakaupo pang senador na sina Rodolfo Biazon, Mar Roxas, Jamby Madrigal, Jinggoy Estrada at Nene Pimentel ay inaasahan ding makikiisa sa nasabing pagpupulong. Samantala nakabitin pa ang pang labing dalawang puwesto sa Senado na pinag aagawan ni Atty. Koko Pimentel ng oposisyon at ni Bukidnon Rep. Migz Zubiri na tumakbo naman sa ilalim ng Team Unity ng adminstrasyon.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s