Gloria Takot sa Kaso ni Erap?

pic-_5.jpg

Rey Tamayo, Jr.

Maaaring magbunsod ng malawakang kaguluhan sa hinaharap sa ating bansa sa pagitan ng mga loyalista ni dating Pangulong Joseph Estrada kasama ang mga progresibong mga militanteng grupo na nakikisimpatya sa dating lider ng bansa kontra sa administrayong Arroyo kung sakaling mahatulan si Erap sa kinakaharap nitong kasong plunder na isinampa sa kaniya ilang linggo matapos ang Edsa Dos.

Kamakailan lamang ay naglabasan na sa ilang malalaking pahayagan ang halos buong pahinang advertisement na naglalayong ikondisyon ang isipan ng taong bayan na maging mahinahon sa anumang ibababang hatol ng Sandiganbayan sa mga darating na buwan.

Ayon naman sa ilang personalidad ng oposisyon, ang Malacañang unamo ang nasa likod ng ipinakalat na balita sa napipintong conviction kay Erap bagay na isang palatandaan na ikinakasa na ng Palasyo ang kanilang paghahanda sa maaring kaguluhan at posibleng pagkakaroon ng panibagong Edsa People Power.

Sa isang banda, marapat lamang na mangamba si pangulong Gloria Macapagal –Arroyo sa inaasahang matinding galit ng sambayanang Pilipino sa sandaling makita ng masa na hindi naging patas ang magiging desisyon sa dating pangulo.

Kung sakaling maa-acquit si Erap sa kanyang kinakaharap na kaso, isang malaking sampal ito sa administrasyong Arroyo at sa kanyang mga alipores. Maliwanag na mali ang ginawang pagpapatalsik kay Estrada noong 2001 dahil wala palang basehan ang mga akusasyon na ibinabato sa kanya. Ngunit tiyak na hindi ito papayagan ng Malacañang sa dahilang para na ring inamin ni PGMA na nang agaw lamang siya ng puwesto imbes sa matapos ang termino ni Estrada.

Kung sabagay, sumailalim naman si Estrada sa Impeacment proceeding ng Senado ngunit malinaw na hindi rin napatunyan sa nasabing Impeachment kung totoong nagkasala nga ng pandarambong si Estrada.

Maaari ring magkaroon ng isang scenario na makabalik si Erap sa kanyang posisyon bilang pangulo ng bansa dahil lalabas na ninakaw ng mga diumano’y ganid at hayok sa kapangyarihan ang halos tatlong taon sa kanyang 6 years term bilang pangulo sa pangunguna ng mga alipores ni ginang Arroyo. Bukod sa pagkuwestiyon sa legitimacy ng kanyang administrasyon bilang isang pekeng pangulo, tiyak na mauungkat din ang diumano’y naganap na malawakang dayaan noong 2004 presidential election sa isang kontrobersyal na “Hello, Garci Scandal”.

At kung maco –convict naman si Erap tiyak na magagalit naman ang kanyang mga taga suporta at hindi malayong magkaroon ng Civil War sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang kilos protesta. Matatandaang ayon sa mga abogado ni Estrada sa pangunguna ni Atty. Rufus Rodriguez, nabigo umano ang prosekusyon na makapagpresenta ng mga ebidensiya na magdidiin sa kasong plunder ni Erap. Samantalang sapat naman ang kanilang nakalap ng mga impormasyon na magpapatunay na inosente ang dating pangulo sa mga paratang na ibinibintang sa kanya partikular na pagtanggap diumano ng P130 milyong tobacco excise tax at ang milyong jueteng money na inaakusa ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

May solusyon naman ang gobyerno ni Pangulong Arroyo tungkol sa malawakang mga kilos protesta na posibleng sumiklab, sa ngayon hawak ni GMA ang Armed Forces sa ilalim ni AFP Chief Hermoneges Esperon lalo na’t naisabatas na kamakailan ang Human Security Act of 2007 o mas kilala sa anti-terror law na ayon sa ilang mga militanteng grupo ay tuwirang pagsikil sa karapatang pantao.

Maaaring gamitin ang nasabing batas upang hindi na makaporma ang mga loyalista ni dating pangulong Estrada sakaling magsagawa sila ng mga kilos protesta. Kabilang umano sa mga magiging epekto ng nasabing Human Security Act ay ang suspension of writ of habeas corpus, pag aresto kahit walang warrant of arrest, pagpapakulong ng mga inosententeng mamamayan kahit walang kaso, pagkumpiska sa ari-arian ng mga pinaghihinalaang terorista, wiretapping at iba pa na pinapayagan ng anti-terror law.

Ngunit hindi rin nakatitiyak ang administrasyong Arroyo, may posibilidad na magsimpatiya sa taumbayan ang ilang mga opisyal mula sa AFP at PNP gaya ng nangyari noong Pebrero 24, 2006 na naging sanhi upang makulong ang grupo nina Ranger Brig. Gen. Danny Lim ng Scout Ranger at Col. Ariel Querubin ng Philippine Marines na lantarang komondena sa mga katiwalian ng administrasyong Arroyo.

Mistulang inaabangan sa sambayanang Pilipino ang ibababang hatol nito sa dating pangulong Estrada, na sa nasabing hatol ay posibleng magkagulo at sumiklab ang isang inaasahan at di inaasahang pangyayari. Kahit ano pang ihatol kay Erap, acquittal man o conviction tiyak na may gulo. Gulo na dapat resolbahin agad ng mga lider ng ating bansa.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s