Kontrobersiya sa Likod ZTE Deal

Rey Tamayo Jr.
Sa patuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee hinggil sa kontrobersiyal at sa maanomalyang US$329 milyong national broadband network (NBN) contract ng pamahalaang Arroyo at ng ZTE Corp. ng China, sinabi kamakailan ni dating director ng National Economic Development Authority o NEDA na ngayon ay chair ng Commission on Higher Education Romulo Neri na tinangka siyang suhulan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos ng P200 milyon para paboran ang kontrata. Ang pahayag na ito ni Neri ang lalong nagdiin kay Abalos sa nasabing kuwestiyunableng kontrata.

Hindi ito unang pagkakataon kung saan nasangkot si Comelec Chairman Abalos sa mga kontratang pinapasok ng pamahalaan. Matatandaang nasangkot din si Abalos sa Mega-Pacific computerization deal na ipinabasura mismo ng Supreme Court dahil sa nakitang anomalya na dapat sana’y nagamit noong 2004 election.

Bukod pa rito ang naunang pahayag ni Joey de Venecia III na kinausap umano siya ni Abalos na iatras na niya ang pagsali sa supply contract ng kanyang kompanyang Amsterdam Holdings, Inc (AHI) sa National Broadband Network project o NBN. Ayon sa batang de Denecia, bibigyan umano siya ng 10 milyong dolyar para manahimik at magsawalang kibo sa ma-anomalyang kontrata ng mga tauhan ni pangulong Arroyo.

Bagama’t nag resign na si Abalos bilang chairman ng Comelec , tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ni Sen. Alan Peter Cayetano na siyang chairman ng Blue Ribbon committee. May naglitawang balita na ilalaglag na ng Malacanang si Abalos sa kinakasangkutan nitong asunto matapos na sabihin ni Neri na tinangka siyang suhulan nito ng 200 milyon. Ang paglaglag kay Abalos ay isang hakbang upang mabaling na lamang sa dating Comelec Chairman ang atensiyon ng publiko imbes na kaladkarin pa ang esposo ni Ginang Arroyo na si First Gentleman Mike Arroyo na matatandang idinawit ni Joey de Venecia III bilang “mystery man” sa kontrobersiyal na kontrata.

Kataka taka kasi ang bilang pag alis ng Unang ginoo noong gabi bago tumestigo si Joey sa Senado. Kung wala siyang kinalaman sa nasabing maanomalyang ZTE- broadband deal scandal hindi na niya kailangang umalis ng bansa bagkus linisin na lamang niya ang kanyang pangalan sa Senado. Dili ba’t ito ang naging senario kay dating argriculture undersectretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante nang bigla na lamang nawala sa bansa sa kasagsagan ng imbestigasyon sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng P728-million fertilizer fund na dapat sana’y mapakinabangan ng ating mga magsasaka.

Samantala, kontrolado naman ng Malacanang ang mga pahayag ni dating socioeconomic planning Sec. Romulo Neri sa pagdinig nito sa Senado matapos na gamitin nito ang ‘executive privilege’ ng tumanggi itong banggitin sa mga senador ang naging tagubilin sa kanya ng Pangulo sa broadband project dahil sa bahagi diumano ito ng executive privilege.

Ayon kay majority leader senator Kiko Pangilinan posible umanong pinoprotektahan ni Neri ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at si First Gentleman Mike Arroyo hinggil sa naging papel ng mag-asawa sa broadband deal.

Ngunit kung tuluyang ilalaglag ng Palasyo si Abalos, hindi kaya bumuwelta ito sa mga taong nakasama niyang nakipagtransaksiyon sa ZTE deal. Alam naman ng publiko na kasama ni Abalos ang Unang ginoo sa nasabing transaksiyon sa pagbubunyag na rin ng batang de Venecia at alam ni Abalos ang naging papel ni pangulong Arroyo sa nasabing kontrata.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s