Bangayan sa Liderato ni GMA

Rey Tamayo, Jr.
Sa kabila ng ipinataw na executive clemency ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa dating presidente Joseph “Erap” Estrada, nananatili pa ring lider ng oposisyon si Estrada.

Ito ang tiniyak kamakailan ni Makati mayor at United Opposition (UNO) president Jejomar Binay matapos ang mga naglabasang espekulasyon na makikipag alyansa na ang dating pangulo makaraang makatanggap siya ng pardon sa administrasyong Arroyo.

Samantala napagdesisyunan naman ng Opposition bloc sa Senado na manahimik muna sa nasabing isyu at huwag na lamang palakihin ang mga naglalabasang intriga mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Nagkasundo ang Solid 8 sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na sina Senate minority floor leader Aquilino “Nene” Pimentel, Panfilo “ Ping” Lacson, Manuel Roxas III, Rodolfo Biazon, Benigno “Noynoy” Aquino III, Antonio Trillanes IV, Loren Legarda, at Jamby Madrigal na bigyan ng sapat na panahon ang dating pangulo mula sa halos anim na taong pagkakapiit.

Ngunit sa kabila ng natamong kalayaan ni Erap, plano pa rin ng United Opposition na magsampa ng panibagong Impeachment complaint laban kay pangulong Arroyo kung saan nakapaloob sa nasabing reklamo ang pagkakasangkot ng pangulo sa maanomalyang kontrata sa NBN-ZTE deal ng bansang Tsina na may malaking tyansang maiakyat sa Senado dahil sa may mabigat na ebidensyang magpapatunay na sangkot nga ang kasalakuyang administrasyon. Obligado ang mga taga oposisyon na suportahan ang nasabing impeachment case lalo na kung pumayag si Laguna Rep. Edgar San Luis na amyendahan ang kanyang inendorsong reklamo mula kay Atty. Roel Pulido na nauna ng naghain ng reklamo.

Dumistansya naman si Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada sa hakbang ng oposisyon sa paghahain nito ng ikalawang impeachment complaint laban sa kasalukuyang Punong Ehekutibo dahil na rin siguro sa ipinagkaloob na pardon sa kaniyang ama. Aniya, nasa kamay ng mga kongresista nakasalalay ang reklamo laban sa pangulo. Nanindigan din ang pamilya Estrada na mananatiling oposisyon ang dating pangulo at mariing kinondena na nakipagkasundo na siya (Erap) kay pangulong Arroyo dahil sa ipinagkaloob na pardon.

Kaugnay nito, ang isa sa pinaka aabangang maaaring mangyari ay kung susuportahan ng mga kaalyado ni House Speaker Jose De Venecia ang ikinakasang impeachment complaint sa Lower House. Matatandaang nagkalamat ang ugnayang politikal sa pagitan ni De Venecia at ni pangulong Arroyo matapos idawit ni Jose “Joey” De Venecia III, ( anak ni Speaker De Venecia) na malaki ang naging papel ni presidente at ang esposo nitong si First Gentleman Mike Arroyo sa maanomalyang kontrata ng ZTE Broadband deal. Sinang ayunan naman ni Sen. Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate Blue Ribbon committee na sangkot ang pangulong Arroyo sa kontrobersyal na National Broadband network (NBN) deal dahil na rin sa inisyal na imbestigasyon ng kaniyang komite sa mga testimonya nina journalist Jarius Bondoc at ng batang De Venecia.

Sa panig naman ng minorya sa Kamara, wala umano silang kapasidad na maiakyat sa Senado ang nasabing reklamo dahil na rin sa hindi sapat ang kanilang bilang ayon na rin kay House minority leader Ronaldo Zamora. Kaya’t nakasalalay sa grupo ni De Venecia ang kapalaran ng Impeachment complaint na inaasahang ihahain ng United Opposition.

Sa patuloy na pag usad ng mga pangyayari sa politika sa bansa, mistulang nanganganib ang ekonomiya ng ating bansa na pilit na hinihilot ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa taumbayan na nasa maayos na kalagayan ang bansa sa kabila ng kaliwa’t kanan na kontrobersya na kinasasangkutan ng rehimeng Arroyo.

May nakaambang panganib umano sa liderato ni De Venecia, nais ng mga alipores ni Arroyo na patalsikin bilang Speaker si JDV ayon na rin sa mga naglalabasang balita na ginagapang na ng Palasyo ang ilang mga kongresista na tuluyang makisanib sa administrasyon pangunahin na ang KAMPI (Kabalikat ng Malayang Pilipino) . Ngunit tiyak naman may ginagawang hakbang din na tinatrabaho ang mga loyalista ni JDV upang labanan ang nasabing pagpapatalsik sa House Speaker.

May nakaamba ding impeachement complaint sa pangulong Arroyo bagay na sinusuportahan ng oposisyon sampu ng mga progresibong grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Black & White movement, mga militanteng grupo sa Kamara at posible ring suportahan ito ng isa pang paksyon sa Kamara (JDV Group) kung tuluyang hindi na magkakaayos ang House Speaker at ang pangulong Arroyo.

Nagsisimula palang ang bangayan, kaya’t kailangan nating magmasid at bantayan ang ating soberanya.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s