Panghihimasok diumano ng Iglesia ni Kristo sa Kaso ni Justice Ong

Rey Tamayo, Jr

Nakasaad sa 1987 Philippines Constitution sa Article II, Section 6 (Declaration of Principles and State Policies) maliwanag na itinatadhana nito na magkahiwalay ang estado at ang Iglesia. Hindi maaaring panghimasukan ng simbahan ang estado gayundin ang estado sa simbahan.

Ngunit nakakagulat ang ilang balita na minsan ay tahasang pinakikialaman ng simbahan ang estado sa kasalukuyang takbo ng ating pamahalaan.

Sinasabing ang grupong Iglesia ni Cristo (INC) diumano ang nasa likod sa nakaambang pagsibak kay Gregory Ong bilang hukom ng Sandiganbayan sa anti-graft court. Matatandang noong May 16, 2007 inirekomenda ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo upang gawing Associate Justice ng Korte Suprema si Ong dahil sa mga bakante puwesto sa nasabing sangay ng gobyerno.

Ang rekomendasyon ni pangulong Arroyo ay napawalang saysay matapos na tutulan ng Judicial and Bar Council (JBC) ang nasabing pag upo nito bilang isang mahistrado ng Supreme Court. Kinuwestiyon ng JBC ang citizenship ni Gregory Ong matapos na akusahang hindi siya natural-born Filipino.

Sa kasalukuyan ay nahaharap sa isang panibagong aberya si Justice Ong matapos na pag initan ng grupo ni Eraño Manalo na siyang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo (Church of Christ) makaraang hatulan ng convicted si military colonel Victor Danao na brother-in-law ni Manalo.

Ayon kay Victor C. Agustin, isang kilala at beteranong kolumnista ng Manila Standard Today sa kanyang column na Cocktales, inilarawan niya kung gaano kaimpluwensiya ang grupong Iglesia ni Cristo na kahit ang mga hukom ay maaari nilang patalsikin sa kanilang puwesto.

Ang nasabing petisyon na nakabinbin ngayon sa Pasig Regional Trial Court na naglalaman ng disqualification laban kay Ong bilang hukom ng Sandiganbayan sa anti-graft court sa pangunguna ni Atty. Ferdinand Topacio, na siyang abogado ng INC.

Nakatakdang magharap ang grupo ni Atty. Topacio kasama ang ilang mga abogado ng Iglesia ni Cristo sa isang oral arguments sa harap ni Judge Leoncio Janolo Jr. Samantala nakahanda namang idepensa ni dating senador Rene Saguisag ang usapin sa kaso ni Gregory Ong.

Bukod sa pagiging hukom ng Sandiganbayan, si Ong ay isa sa mga pinagpipilian sa mga bakanteng puwesto sa Korte Suprema tulad ng Court of Appeals Presiding Justice Ruben Reyes, Court of Tax Appeals Presiding Justice Ernesto Acosta, Labor Secretary Arturo Brion, CA Justice Edgardo Cruz at Sandiganbayan Justice Francisco Villaruz Jr. Matatandaang nitong buwan ng Hulyo, itinalaga ni pangulong Gloria Arroyo bilang Associate Justice si Court of Appeals Presiding Justice Ruben Reyes bilang kapalit ni Associate Justice Romeo Callejo na nagretiro noong April 28..

Sa nakalap na impormasyon ng Newsbreak na sinulat ni Aries Rufo noong buwan ng Agosto, ang mga grupo ng Iglesia ni Cristo at El Shaddia ang nasa likod sa pagkakahirang kay Reyes. Si Reyes ay nagdiwang ng kanyang ika-68 taon noong January 3 at mayroon na lamang siyang 1 taon at 5 buwan upang manungkulan sa Tribunal bago dumating ang compulsory retirement sa edad na 70.

Subalit base sa Sec. 2 Rule 8 of the Judicial and Bar Council rules, hindi maaaring sang ayunan ang simunang kandidato na maupo sa nasabing puwesto kung ito’y manunungkulan lamang ng isang taon at kalahati. Ngunit ipinaliwanag ng mga hukom na nakuha ni Reyes ang mga requirements matapos ang nominasyon ng JBC noong May 7.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng suporta ang kampo ni Bro.Eli Soriano kay Justice Ong na ipagpatuloy niya ang kaniyang tungkulin at labanan ang katiwalian sa lipunan. Sinabi pa ni Bro.Eli na nasa likod niya ang grupong Church of God, International na mas lalong kilala sa tawag na Ang Dating Daan na manindigan sa katotohanan at pinayuhang huwag matakot sa maimpluwensiyang grupo ng INC na pati hukom ay kaya nilang patalsikin sa puwesto.

Matatandaang si Bro.Eli ang pangunahing tumututol at tumutuligsa sa mga maling aral na ipinapangaral ni Eraño Manalo na siyang lider ng grupong Iglesia ni Cristo tulad ng paniniwalang Tao si Kristo, Banal na Hapunan na may Abuluyan, Anghel si Manalo, Ang Pilipinas ay ang malayong Silangan at iba.

Makailang beses na ring sinuspende ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) sa ilalim ni chairwoman Maria Consoliza Laguardia ang programa ni Soriano sa telebisyon na Ang Dating Daan, na tinanghal na “ The Most Informative Religious Program”sa Gawad Amerika Award noong 2006 sa Estados Unidos. Ang isang dahilan umano ng pagpapatigil ng nasabing programa ay ang pagtawag ni Bro.Eli na , “Iglesia ni Manalo” (Church of Manalo) bagay na ikinagalit ng INC.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s