Razon, Tuloy sa Serbisyo Publiko

 

 

tu19.jpg

Rey Tamayo, Jr.

Kamakailan ay pormal ng inilabas ng Commission on Election (Comelec) ang desisyon kaugnay sa nakabinbin na usapin sa Batas Partylist (Bagong Alyansang Tagapagtaguyod ng Adhikaing Sambayanan) hinggil sa reklamo ng isang nagngangalang Nathan Macute, isang rehistradong botante ng Sitio Roque, Alabang, Muntinlupa City.

Ayon sa dalawampu’t dalawang pahinang resolusyon noong Oct. 30, 2007 na inihain ni Macute, tinanggap ng Second Division ng Comelec ang nasabing petisyon na may alegasyon na ang Batas Partylist ay ekstensyon umano ng grupong Ang Dating Daan na pinangangasiwaan ni Bro. Eli Soriano bagay na kinondena ng pamunuan ng ADD.

Samantala, kinuwestiyon naman ni Commissioner Rene Sarmiento sa walang matibay na batayan na mag-papatunay na ang Batas Partylist ay ekstensyon nga ng grupong Ang Dating Daan. Bagama’t si ginoong Daniel Razon ay isa sa mga nominado ng Batas partylist at opisyal ng ADD.

“To conclude, however, that the convergence of the two organizations into the person of Razon makes ADD and Batas one and the same entity or makes Batas an adjunct of ADD defies the rules of law and logic,” pahayag ni Sarmiento.

Matatandaang nakakuha ang Batas partylist ng 385,810 na boto o 2.42 percent sa kabuuhang boto noong May 14, 2007 election na nagtatadhana ng isang kinatawan ang nasabing partido sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Bagama’t hindi na matutuloy ang pag upo ni Razon sa Kongreso sinabi nito na tuloy ang kaniyang isinasagawang kawanggawa at paglilingkod sa ating mga kababayan sa isang tunay na serbisyo publiko.

Magugunita na noong buwan ng Hulyo taong kasalukuyan ay nagbukas ng bagong programa sa telebisyon ang isa sa mga beteranong mamamahayag ng bansa na si Kaka Daniel Razon ng isang morning show na “Good Morning Kuya” na may layuning tumulong sa mga kapus-palad nating mga kababayan.

Nakapaloob sa nasabing morning show na sumasahimpapapawid mula Lunes hanggang Biernes sa UNTV 37 ay ang mga segment gaya ng Clinic ni Kuya na tumutugon sa pangangailang medical tulad ng libreng operasyon, gamot at konsultasyon mula sa mga volunteer doctor at medical practitioner, ang Munting Pangrap na may layuning mabigyan ng katugunan ang mga munting kahilingan ng ating kapwa tao, ang Law Center ni Kuya na nagbibigay ni libreng konsultasyon at payong legal mula sa abogadong mapagkawanggawa at ang Libreng Sakay na halos araw-araw ay may bumabyahe dalawang Bus sa kahabaan ng EDSA upang makatulong sa publiko sa kanilang pangangailang pang transportasyon.

Kasama rin ni Kuya Daniel sa kaniyang programa ang ilang sa mga respetado personalidad sa larangan ng pamamahayag sa radyo man o telebisyon tulad nila Rene Jose, Alan Encarnacion, Señor Rey Pacheco, Dick Sinchongco, Jay Sonza, Jocas Castigador at Rolly “Lakay” Gonzalo.

Magugunita na nagsagawa rin ng isang konserto at album launching noong Nobyembre 29 si Kuya Daniel na pinamagatang “All My Life” sa Meralco theater upang makasuporta sa mga isinasagawang medical mission, feeding program sa mga batang malnutrition, libreng mga gamot at pagkain sa mga matatanda sa mga orphanages sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Kaalinsabay din ang pagsuporta ni Kuya Daniel sa mga programa ng Department of Education (DepEd) , Department of Tourism (DOT) at iba’t ibang organisasyon na naglalayong mailayo ang ating mga kababayan sa ipinagbabawal na gamot at sa halip ay maibaling ang kanilang atensyon sa martial arts. Naging matagumpay naman ang isinagawang “ 1st Asian Martial Arts Games” na dinaluhan ng may halos labing limang bansa sa Asya upang makibahagi sa nasabing palaro na tumagal ng limang araw (Nov.30 hanggang Dec. 04) na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila. Matatandaang siya ang piniling “ Event Icon “ at endorser ng nasabing palaro dahil sa kanyang natatanging personalidad bilang isang magandang ehemplo lalo na sa mga kabataan.

Ang isinasagawang kawanggawa ni Kuya Daniel Razon sa ating mga kababayan ay simula pa lamang nang isang tunay na serbisyo publiko sa kabila ng may mga ilang taong ayaw siyang paupuin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang isang kongresistang halal ng taumbayan na naniniwala sa kaniyang kakayahang mapaglingkuran ang sambayahang Pilipino.

Sinabi pa ni Kuya Daniel na kahit wala siya sa Kongreso, tuloy pa rin ang kaniyang pagtulong sa ating mga kapwa tao lalung lalo na sa mga kababayan nating kapus palad katuwang ang ilang mga ahensiya at mga personalidad na may layunin ding makatulong sa taumbayan.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s