Bayan

Rey Tamayo, Jr.

Mutyang Pilipinas ang ating tahanan,

Dumaan sa hapis, pagluha at lumbay;

Sa maraming taon alipin ng panglaw

Pag-asa’y giniba nitong agam-agam.


Ang umid na tinig nitong ating bayan,

Sa nasang pagsigaw ng katotohanan;

Tanging mga luha dahang lumilitaw

Na umindang pilit hapo na at pagal.


Kelan malalagot ang muhi’t hilahil?

Sa sumpang kay pait ng pagka-alipin.

Kalayaa’t dangal handa ng ilibing,

Tayo ba’y luluhod sa alok ng lagim?


Ang mga bayaning huwaran sa tatag,

Na hindi nasupil sa mga bagabag.

Bagkus pa’y lumaban sa sigwang kay alab

Buhay ma’y masawi aariing ganap.


Bayan ko ba’y sawi kung siya’y tumaghoy,

Tanikalang dusa na ang dala’y luoy?

Anupa’t pagpiglas sa huwad na dunong,

Pagbibigkis-diwa ang ibinubulong.


Panahon na bayan at ating ibalik,

Yaong kalayaang minsang naiwaglit.

Soberanyang tunay na ipinagkait

Dapat lang makamtan nang di na humibik.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s