PGMA, Walang Kredibilidad ayon sa mga Survey

Rey Tamayo, Jr.

Sa pagpasok ng taong 2008, papaano kaya tatanggapin ni Juan dela Cruz ang naging pamamalakad ng administrasyong Arroyo sa kaniyang halos pitong taong pamamalagi sa kanyang poder bilang Punong Ehikutibo ng bansang Pilipinas. Hindi maikakaila ng Palasyo sa taumbayan ang kaliwa’t kanan na mga kilos protesta ng iba’t ibang progresibong grupo at maging ang mga religious groups upang manawagan na bumaba sa kanyang puwesto si presidente Arroyo .

Maging sa hanay ng sandatahang lakas, minsang pang tinangka ng ilang opisyal sa hanay ng militar na palitan ang kasalukuyang administrasyon na ang pinaka huli ay noong ngang Nobyembre 29, nang magwalk out sa hearing sa Makati Trial Court sina Sen. Antonio Trillanes, Gen. Danilo Lim at ang ilang Magdalo soldiers na tutol sa panunungkulan ni Arroyo na tinaguriang Makati Pen Siege.

Ang mga kontrobersyal na isyu tulad ng ZTE Boardband deal, ang Hello Garci Scandal, Extra Judicial killings sa hanay ng mga militante at peryodista, ang mga pagsabog sa iba’t ibang panig ng bansa at ang ginawang paglampaso ng Opposition senators sa mga kandidato ni pangulong Arroyo sa nakalipas ng senatorial election ay tanda na maraming mga Pilipino ang ayaw na sa panunungkulan ni ginang Arroyo. Isa sa mga naging matibay na batayan ay nang manalo si LT/SG Antonio Trillanes IV bilang senador na nakakuha ng mahigit 11 milyon na boto. Kung susuriin mahigit 11 milyong Pilipino ang lantarang isinusuka si PGMA bilang isang protest vote.

Ang lahat ng pangyayaring ito ay pawang sangkot diumano si pangulong Gloria Macapagal Arroyo . At ito ay nagresulta ng pagbulusok bababa at negatibong imahen ng pangulo at ng bansang Pilipinas sa International community.

Base sa magkakahiwalay na survey na isinagawa ng iba’t ibang organisasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging pati sa ibang bansa. Hindi na umano bago para sa mga Pilipino kung negatibo ang magiging resulta sa mga isinagawang survey dahil na rin diumano sa talamak ng korupsyon at katiwalian sa gobyerno.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Pulse Asia na isinagawa noong Oktubre 20 hanggang 31 sa buong bansa, lumalabas na 42% ng mga respondents ang naniniwalang pinaka-corrupt na pangulo sa buong kasaysayan ng Pilipinas ay si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, samantalang ikalawa naman sa puwesto si Ferdinand Marcos (35%), ikatlo si Joseph Estrada (16%), ikaapat si Fidel V. Ramos (5%) at ang huli ay si Corazon Aquino (1%) sa limang naging pangulo ng bansa mula noong dekada 60.

Samantala, kasama rin sa TOP 10 ang bansang Pilipinas sa pinakabagong survey ng Global Corruption Barometer 2007 ng Transparency International, napakatalamak ang barya-baryang lagayan sa mga bansang Cameroon, Cambodia, Albania, Kosovo, Macedonia, Pakistan, Nigeria, Senegal, Romania at ang pang sampu ay ang PILIPINAS.

Ang naging batayan umano ng nasabing survey ay ang Petty Bribes o ang suhulan na barya barya lamang na ang karaniwang nagiging biktima ay ang mga kababayan nating mahihirap tulad ng kotong sa mga driver ng jeep, taxi, delivery trucks, bus sa kalsada. Kasama rin dito ang mga nangyayaring suhulan sa munisipyo, mga ahensya ng gobyerno at maging sa mga tindera sa palengke at tiangian.

Kung pag-uusapan ang malakihang kopursyon sa buong mundo, pang-walo naman ang Pilipinas sa pinaka corrupt na bansa ayon naman sa Global Corruption Report. Ang bansang Haiti ang numerong unong pinaka corrupt sa buong mundo samantalang ang mga bansang Finland, Iceland at New Zealand ang naitalang mga “least corrupt country” ayon na rin sa survey.

Sa buong Asya, pinalitan naman ng bansang Pilipinas bilang Top one ang may pinaka maraming kasong korupsyon at talamak sa katiwalian ang bansang Indonesia mula sa labing tatlong bansa sa Asya. Ito ay batay naman sa report ng Hong Kong-based Political and Economic Risk Consultancy (PERC) sa isinagawang pagsisiyasat ng may halos 1,500 expatriate businessmen sa buong Asya.

Lumalabas sa mga resulta ng pag-aaral…(Top 10 sa Petty Bribes ng Global Corruption Barometer 2007 ng Transparency International , Number 8 sa World corruption at Number 1 sa Asya ng Global Corruption Report at numero uno naman si pangulong Arroyo sa pinaka corrupt na pangulo sa bansa ng Pulse Asia) ipinakikita lamang ng mga report at survey na ito kung gaano talaga kalawak ang problema sa katiwalian sa ating bansa.

Ano kaya ang reaksyon ni Juan dela Cruz sa mga pangyayaring ito?

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s