Baclaran Mall, natupok ng dahil sa nag-overheat na aircon

Sol Salazar

Mahigit P90 milyong halagang mga paninda at ari-arian ang naabo sa mahigit walong oras na sunog na tumupok sa tatlong palapag na shopping center sa Baclaran, Pque. City.

Nagsimula ang sunog dakong alas 5:52 ng umaga sa ground floor ng ikatlong palapag na gusali ng Galleria Bacaran Shopping Mall sa Taft Avenue Extension malapit lamang sa LRT Baclaran Station.

Karamihan sa mga stalls ay sarado pa nang biglang lamunin ng makapal na apoy ang buong gusali na hinihinalang nagsimula sa nag-overheat na air conditioning unit na naiwanang nakabukas.

Dakong alas-10:00 ng umaga ay kinakailangan na ang tulong ng mga bumbero sa mga karatig lungsod sa Metro Manila pati na rin ang helicopter ng Philippine Air Force.

Bunsod rin ng malaking sunog, sinuspinde banding alas-10:30 ng umaga ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Mel Robles ang operasyon ng kanilang mga tren sa mga lugar na sakop ng sunog. Tanging operasyon lamang sa Sen. Gil Puyat Avenue patungong Monumeto ang operasyon nito.

Ayon naman sa security guard ng mall na si Rey Bautista, muntik na silang matrap sa loob ng gusali dahil maraming mga may-ari ng stalls ang humingi sa kanila ng tulong sa pag-asang makapagsalba pa ng ilan nilang paninda.

Sinabi naman ni Arson investigator FO3 Renato Recto na nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil bukod sa mabilis silang maubusan ng tubig bunga ng kahirapang makapasok sa makipot na daan ang mga bumbero, kulang pa sila sa gadgets tulad ng gas mask kaya’t hindi mapasok ang loob ng gusali.

Nabatid pa na karamihan sa mga nasunugan ay mga Tsinoy na nagbebenta ng wholesale na ready-to-wear items (RTWs), sapatos, at iba pang imported products mula sa China.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang sunog na ganap na nakontrol dakong ala-1:30 na ng hapon bagama’t hindi pa idineklarang fire out.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s