Panibagong Kudeta, niluluto na!

Robie Rose Demelletes 

Panibagong kudeta na naman laban sa administrasyong Arroyo ang pinaplano umano ng mga dismayadong junior officers ng Armed Forces of the Philippines.

Kinumpirma ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., batay sa assessment ng intelligence community. Aniya, bagaman maliit ang posibilidad na ibuyo ng mga grupong pulitikal na kalaban ng rehimeng Arroyo ang mga sundalo para mag-aklas sa kasalukuyang gobyerno ay nanatili pa rin ang banta ng destabilisasyon.

Sinabi rin ni Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno na may natanggap silang intelligence report na mainit pa rin ang banta ng pag-aaklas ng mga sundalong ito.

Aktibo rin umanong nagre-recruit ng mga sasama sa kudeta ang mga coup plotters sa AFP kung kaya naman hinikayat ni Puno ang kapulisan na manatiling sa konstitusyon at maging alerto upang maharang ang anumang pagkilos kasabay ang babalang huwag lalahok sa nasabing hakbangin.

Ayon pa rin sa Assessment ng Intelligence Community na ang nilulutong kudeta na nakaumang umano sa administrasyong Aroyo ay posibleng isagawa sa una at ikalawang bahagi ng taong 2008 o sa susunod na anim na buwan.

Pinasaringan naman ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon Jr., ang mga coup plotters na pwede silang mangarap na tangkaing agawing muli ang kapangyarihan kay Pangulong Gloria Arroyo pero tiniyak naman si Esperon na masusupil na sila sa unang bwelta pa lamang.

Samantala, kumpyansa naman ang Malakanyang na mabibigo ang anumang tangkang destabilisasyon at pagpapaalis sa pwesto kay Arroyo. ###

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s