UK tumutulong sa Bhutto assassination case

Robert V Bolisay, Jr.

Pinagkaguluhan ng mga journalists ang isang team ng mga imbestigador mula sa UK nang dumating ito sa Pakistan airport upang tumulong sa imbestigasyon sa pagkakapatay kay dating Pakistan Prime Minister Benazir Bhutto noong Disyembre 27, 2007.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang mga Scotland Yard investigators dahil kaagad din silang umalis mula Islamabad airport sakay ng isang pribadong sasakyan.

Kamakailan ay nagbigay ng pahayag si Pakistan President Pervez Musharraf sa news conference sa presidential palace na hindi ito nasiyahan sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Bhutto at magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin matiyak ang naging sanhi ng kamatayan nito.

Sinabi pa ni Pervez na hindi siya naniniwala na sinubukan ng pamahalaan o ng intelligence agencies na itago ang katotohanan hinggil sa pagkamatay ng dating prime minister.

Matatandaan na inamin ng Pakistan president na binomba ng hose ng tubig ang pinangyarihan ng krimen ilang oras lamang matapos ang insidente, na maaaring makasira sa ebidensya.

Siniguro naman ng pangulo na wala naman umanong intensyong magtago ng anumang sikreto ang intelligence agencies sa paglilinis kaagad ng crime scene.

Ayon sa inisyal na ulat ang isang tinitingnang angulo sa pagkamatay ni Bhutto ay nang  ang ulo nito sa isang sarahan ng pinto ng sasakyan na yari sa solidong bakal.

Kaagad na kinundena naman ng mga taga-suporta ni Bhutto ang ulat na iyon dahil malinaw umano sa video footage na binaril sa ulo ang lider ng oposisyon.

Sinisisi rin ng Pakistan People’s Party (PPP), ang partidong pinangungunahan ni Bhutto, ang pamahalaan dahil sa kakulangan ng imbestigasyong isinagawa nito at dahil sa pagkukulang umano sa seguridad.

Bunsod nito, nanawagan ang PPP sa pamamagitan ni senador Babar Awan sa United Nations para sa mas malawakang inquiry hinggil sa insidente.

Sa pahayag pa rin ni Pervez, wala umano silang pagkukulang sa seguridad para kay Bhutto at ito pa umano ang lumabag ng matindi sa breach of security dahil sa tumayo ito sa sun roof ng sasakyan.

Tungkol sa mga UK investigators na dumating sa Pakistan, inamin ni Pervez na kailangan nila ng mga eksperto sa forensic at technical na wala sa kanilang bansa.

Binigyang diin ni Pervez na ang grupo ng mga imbestigador na ito na ipinadala ni UK Prime Minister Gordon Brown mula sa London ang susuri sa mga ebidensya upang marsolba ang kaso  at hindi ang mga diumano’y walang basehang akusasyong pulitikal.

Samantala, patuloy ang pagaresto ng mga pulis sa mga miyembro ng PPP sa probinsya ng Sindh dahil sa panggugulo at panununog na ginawa.

Ang Sindh ay probinsya ni Ms. Bhutto kung saan pinkamalawak ang suporta sa PPP at pinakamalakas ang impluwensya ng pamilyang Bhutto.

Ayon sa mga correspondents, mas lalala ang sigalot na ito laban sa pamahalaan hanggang sa araw ng eleksyon kung ipagpapatuloy ng administrasyon ang pagaresto sa mga PPP workers.

Sa talaan ay mahigit sa 50 katao na ang namamatay dahil sa riot sanhi ng pagkamatay ni Bhutto.

Dahil dito, ipinagpaliban ni Mr. Musharraf ang eleksyon hanggang sa Pebrero 18 dahil sa pagkasira ng ilang polling stations at ilang balota dahil sa kaguluhan.

Ang eleksyong darating ay isa umanong napakahalagang hakbangin tungo sa isang demokratikong pamunuan sa ilalim ni President Musharraf.

Si Musharraf na dating army chief ay isang importanteng kaalyado sa “war on terror” na pinangungunahan ng U.S. #

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s