Kampanya kontra smuggling, paiigtingin – Palasyo

Robie Demelletes

INATASAN ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Bureau of Customs (BoC) na lalo pang paigtingin ang anti-smuggling campaign ng pamahalaan ngayong 2008.

Kaya naman upang patunayang hindi tumitigil ang BoC’s Run After The Smugglers’ (RATS) sa pagtugis sa mga smugglers, iniulat ni Customs Commissioner Napoleon L. Morales ang pagsasampa ng ahensiya ng dalawang kasong kriminal sa mga nahuling nagtangkang magpuslit ng droga sa bansa sa pamamagitan ng Arwana.

Sa programang RATS, nasa animnapung kaso na ang naisampang kaso, at tatlumpu’t dalawa rito ay naisampa sa ilalim ng pamamahala ni Morales.


Ani Morales, ang pagkakasamsam ng BOC-RATS sa mga sinasabing “highly regulated substance” ang lalong nagpalakas sa pagsisikap ng pamahalaan na lipulin, hindi lamang ang smuggling, kundi maging ang paggawa ng ipinagbabawal na gamot.

Ang dalawang bagong kasong isinampa sa korte ng BOC ay dagdag sa 30 kasong napagtagumpayan ng ahensiya laban sa smuggling.

Ayon kay Deputy Commissioner Reynaldo Umali, RATS Executive Director, umaabot naman sa humigit isandaang respondents ang kinasuhan ng RATS Group noong 2007 lamang.

Kabilang sa sinampahan ng dalawang kasong criminal na binubuo ng limang respondents, ay ang tatlong corporate officers, isang Licensed Customs Broker at isang liaison officer.

Sinabing sangkot ang mga ito sa ilegal na pag-aangkat ng  limang toneladang Methyl Ethyl Ketone (MEK) at 8 drums ng 55 gallons ng Toluene na may kakayahang makapagprodyus ng P700 million halaga ng shabu; 14 boxes ng Pornographic DVD’s at iba pang undeclared materials na nakapangalan sa DCSB Marketing.

Ang shipment ay inangkat nang walang kaukulang lisenya mula sa PDEA at OMB bukod sa misdeclared bilang 455 packages ng raw materials sa paggawa ng sapatos at iba pang footwears.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s