Banta sa Malayang Pamamahayag

Rey Tamayo, Jr.

“Please be reminded that your respective companies, networks or organizations may incur criminal liabilities under the law, if anyone of your field reporters, news gatherers, photographers, cameramen and other media practitioners will disobey lawful orders from duly authorized government officers and personnel during emergencies which may lead to collateral damage to properties and civilian casualties in case of authorized police or military operation.” Ito ang nilalaman ng babala ni Gonzales laban sa media.

Matatandaan noong ika-11 ng Enero ay nagpalabas ng isang advisory sa hanay ng mga mamamahayag si Justice Secretary Raul Gonzales hinggil sa pagkokober ng mga maseselan at delikadong insedente tulad ng nangyari noong Nov. 29 kung saan kinubkob nila Sen. Antonio Trillanes IV, Brig. Gen. Danilo Lim at ng ilang Magdalo soldiers ang Manila Peninsula at nanawagan ng isang pagbabago sa administrayong Arroyo.

Ayon sa ipinalabas na babala ni Gonzales, maaari umanong maharang sa kasong kriminal (obstruction of justice) kung hindi susundin ng mga mamamahayag, peryodista, litratista, cameraman at iba pang media practitioners ang ibababang batas ng pamahalaan sa pagkober ng balita.

Umani ito ng kaliwa’t kanan na batikos mula sa iba’t ibang media organization tulad ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), National Press Club (NPC), Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), Philippine Press Institute (PPI) at iba pa mga mga grupo hindi lamang sa bansa kundi maging sa International Community. Anila, ito’y malinaw na paninikil sa malayang pamamahayag na sinasang-ayunan ng Konstitusyon ng bansang Pilipinas.

Nakasaad sa Article 3 Section 4 ng 1987 Philippines Constitution na walang batas na ipapasa na sasadkaan ang freedom of speech, expression, at freedom of the press.

Maging ang ilang mga senador ay umalma sa ipinalabas na advisory ni Gonzales, tutol sina senador Francis ‘Chiz’ Escudero at Senate majority leader Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa bagay na ito. Ayon sa mga senador isa lamang itong “scare tactic” ng pamahalaang Arroyo laban sa media.

Waring hindi naman natinag si Justice Secretary Raul Gonzales sa mga pahayag ng mga media organization at maging ang iba’t ibang sektor ng ating lipunan na komokondena sa nasibing advisory.

Sinabi pa ng kalihim na wala namang masama sa inilabas niyang paalala dahil natalakay naman ang usaping ito nang magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng mga kinatawan ng media at ng gobyerno.

At tanging si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo lamang ang makapagbabago ng desisyon ni Gonzales kahit na binabalaan na ito ng Committee to Protect Journalists, isang International media group na nakabase sa New York na bawiin ang naunang banta sa mga mamamahayag.

Ngunit sa takbo ng pangyayari, sinang-ayunan pa ng Malacañang ang nasabing hakbang na ito ni Gonzales. Ayon sa Palasyo, may kapangyarihan umanong magdesisyon ang kalihim kahit na walang pahintulot galing sa Pangulo.

Ano pa kaya ang susunod na gagawin ni Justice Secretary Raul Gonzales na sinusuka na ng taumbayan at maging sa hanay ng mga mediamen?

Ang tangi nating magagawa ay magmasid at bantayan ang ating kalayaan at ipaglaban ang ating propesyon bilang isang peryodista’t mamamahayag.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s