Lozada, susi sa NBN-ZTE Scam

Rey Tamayo, Jr.

Sa paglutang ni dating Philippine Forest Corporation (Philforest) president at broadband star witness Rodolfo ‘Jun’ Lozada Jr., naging matibay ang naunang pahayag ni Joey de Venecia III na sangkot di umano sa kontrobersiyal na transaksyon si First Gentleman Mike Arroyo matapos humingi ng $130 million na komisyon si dating Comelec chairman Benjamin Abalos sa nasabing proyekto.

At sa patuloy na imbestigasyon na isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang $329 milyong Natio­nal Broadband Network (NBN) -ZTE Corp. deal, naging komplikado at nalagay sa alanganin ang administrasyon Arroyo matapos makakita ng butas ang mga senador sa mga testimonya ng mga inimbitahang government officials sa nasabing Senate hearing.

Kinuwestiyon ni Senator Panfilo Lacson ang kredibilidad ni Atty. Antonio Bautista sa isyu ng pagpapapirma kay Lozada ng isang ‘fabricated affidavit’ at hindi notaryadong dokumento matapos umanong ‘kidnapin’ ang star witness mula sa NAIA at nagpa-ikot ikot ng halos anim na oras sa iba’t ibang lugar sa Cavite, Laguna bago tuluyang dalhin sa La Salle Greenhills.

Itinanggi naman ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Lito Atienza na pinakidnap niya si Lozada. Ayon kay Atienza, humingi umano sa kanya ng tulong si Lozada kaya’t agad niyang tinawagan si PNP Chief Avelino Razon upang bigyan siya ng proteksyon. Sumabit sina Atienza at Razon kaugnay sa pagtatago sa pagkatao si SPO4 Roger Valeroso na itinuturong dumukot kay Lozada sa loob ng airport at napag-alamang si dating M/Sgt. Rodolfo Valeroso ng Aviation Security Group (ASG).

Todo tanggi naman si Atienza na alam ng Pangulo ang kanilang pag-uusap ni Lozada nang dukutin ito mula sa NAIA, ngunit hindi binago ni Jun Lozada ang kaniyang naunang pahayag na may kinalaman sa pagdukot sina Executive Secretary Eduardo Ermita at si Pangulong Gloria Arroyo .

Binatikos naman ni Senate pro-tempore Jose ‘Jingoy’ Estrada si NAIA Assistant General Manager for Security Angel Atutubo matapos balewalain ang request ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA), partikular ang warrant of arrest at ang deklarasyon nitong isang VIP si Lozada at kaagad naman nitong binawi.

Sa kainitan ng imbestigasyon, pumalag si Lozada kay Senator Joker Arroyo matapos akusahan ng senador na namimili umano siya ng kinakausap na papabor sa oposisyon. Nagulat ang lahat ng pasinungalingan ni Lozada ang nasabing akusasyon nang ilutang sa publiko na mismong ang asawa ni Senator Joker Arroyo ay nakipagusap din sa kanya sa bahay nito sa Makati City bagay na ikinapikon ng senador.

Samantala hindi naman sinang-ayunan ni Senator Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate Blue Ribbon committee ang mga salaysay ng mga opisyal ng Malacañang hinggil sa pagtatangkang sirain ang naunang testimonya ni Lozada kauganay ng pagpapaiwas sa kanya upang hindi makadalo sa Senate hearing sa pamamagitan ng London conference at ang pagdukot sa kanya na labag sa kaniyang kalooban.

 

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s