Latest Development sa Ika-57 na Mamamahayag na Pinaslang, Inilabas ng Pulisya

Rey Tamayo, Jr.

Pinatay kamakailan ang isang dating ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na lumipat sa grupong Ang Dating Daan (ADD) sa Bgry. Santa Monica, San Simon Exit sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon sa hepe ng San Simon Police na si Sr. Police Officer Francisco Cortez, kinilala ang biktima na si Marcos Mataro , 39-anyos at nakatira sa Apalit, Pampanga. Sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of Crime Operatives (SOCO) Team ng Camp Olivas, nag-aabang umano ng bus papuntang Maynila ang biktima nang biglang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek pasado alas diyes ng umaga noong April 27. Nagtamo ng anim na tama ng bala ng .9mm pistol na agad na ikinamatay ng biktima. Narekober ng pulisya ang motorsiklong ginamit ng mga suspek na may plakang DW4524 matapos inabandona sa pinangyarihan ng insidente.

Si Mataro ay isang senior announcer at main show host ng programang D’ X-MAN na sumasahimpapawid sa UNTV 37. Ayon kay Gng. Lydia Manuyag, kasamahan ng biktima sa nasabing programa, may kinalaman umano ang nasabing pamamaslang sa paglipat ni Mataro ng relihiyon. Aniya, mula nang layasan nila ang relihiyong Iglesia ni Cristo at umanib sa Ang Dating Daan, maraming beses na silang binantaan na papatayin.

Matatandaang, noong taong 2005 binugbog ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ang grupong D’X-man sa pangunguna ni Mataro sa isang fastfood chain sa Apalit, Pampanga na muntik nang ikinamatay ng mga kasama nito. Sa pangyayaring ito, nagdemanda ang grupo ng D’ X-MAN laban sa mga bumugbog sa kanila ngunit hindi sila pinaporan ng piskalya.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng malawakang manhunt operation ang Philippine National Police (PNP) ng Region 3 upang agad na mahuli ang mga salarin. Bumuo na rin ng Task Force Mataro ang PNP sa pangunguna ni Police Regional Director Chief Supt. Errol Pan upang mapabilis ang imbestigasyon sa pagkakapatay sa biktima. Nakatakda namang sampahan ng kasong kriminal ang may-ari ng motorsiklong ginamit sa pamamaslang na si Nickson Icao at ang humiram nito na nakilalang si Zaldy Lumaghan, isang diakono ng INC.

Samantala, nagbigay naman ng isang milyong pisong pabuya ang pamunuan ng UNTV 37 sa sinomang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek. Ayon kay Mr. Jay Sonza, Station manager ng nasabing himpilan, ang tulong pinansiyal ay gagamitin sa mabilisang imbestigasyong gagawin ng pulisya hinggil sa pagpatay sa TV host na si Mataro.

Ayon sa talaan ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), si Mataro ang ika-57 na mamamahayag na pinaslang sa ilalim ng administrasyong Arroyo at pangalawang biktima ngayong 2008.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s