IFJ, Naalarma sa media killings sa Pilipinas

Rey Tamayo, Jr.

Kinundena at nanawagan ang International Federation of Journalists (IFJ) sa pamahalaan ng Pilipinas upang kalampagin ang rehimeng Arroyo dahil sa patuloy na paglobo ng bilang ng mga mamamahayag, peryodista at brodkaster na pinatay sa kasalukuyang administrasyon.

Nababahala ang IFJ sa kalagayan ng mga media practitioners sa bansa dahil sa sunod-sunod na pamamaslang sa mga mamamahayag at ang motibo ay may kaugnayan sa kanilang trabaho.

“Journalists and journalists’ leaders in the Philippines have shown great courage and determination in fighting for press freedom despite the danger and hostility they confront in the course of doing their jobs,” pahayag ng IFJ Asia-Pacific.

Sa pinakahuling ulat na inilabas ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), limang mamamahayag na ang pinatay sa taong ito kung saan ang pinaka-huling biktima ay ang dalawang brodkaster ng Radio Mindanao Network (RMN) sa magkakahiwalay na lugar.

Matatandaang pinagbabaril si Dennis Cuesta ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa General Santos City, South Cotabato noong Agosto 10, 2008. Matapos ang halos limang araw na pamamalagi sa ospital ng Saint Elizabeth Hospital, pinawian ng buhay ang biktima. Si Cuesta ay isang komentarista at program director ng dxMD-Radio Mindanao Network (RMN) sa General Santos City.

Buwan din ng Agosto ng pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isa pang brodkaster ng RMN na si Martin Roxas sa Roxas City,Capiz. Si Roxas ay isang anchorman ng dyVR- Radio Mindanao Network (RMN) at host ng Targetanay sa Udto, isang noontime program sa nasabing istasyon at auditor NUJP Capiz chapter.

Tinambangan at pinatay din ang isang news correspondent ng Regional Bulletin at radio host ng programang “Harana” (Serenade) ng dzAT-AM sa Lucena City na si Bert Sison sa Sariaya, Quezon noong buwan ng Hunyo.

Samantala, brutal na pinaslang ang main tv host ng programang D’Xman ng UNTV 37 na si Marcos Mataro sa San Simon Exit sa Pampanga noong buwan ng April. Sinasabing si Mataro ay dating ministro ng Iglesia ni Cristo na lumipat sa Ang Dating Daan at aktibong nagsisiwalat sa telebisyon ng mga diumano’y katiwalian sa pinanggalingan nitong samahan.

April, 7 2008, pinaulanan ng bala si provincial publisher Benefredo Acabal ng riding in tandem sa Pasig City. Si Acabal ay publisher at kolumnista ng pahayagang Pilipino Newsmen sa Cavite at dating news writer sa ibang pahayagan tulad ng Toro, Saksi at Puntos.

Sa kabuoang datos ng NUJP, umaabot na sa 97 na mga mamamahayag ang pinaslang matapos ang panunungkulan ni dating pangulong Ferdinand Marcos noong Martial Law.

Magugunitang 17 na mamamahayag ang napatay noong panahon ni dating pangulong Corazon Aquino, 15 mamamahayag naman sa panahon ni dating pangulong Fidel Ramos, 5 naman kay dating pangulong Joseph Estrada at 60 mamamahayag sa ilalim ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang may pinakamaraming media practitioners na pinatay sa kasaysayan ng Pilipinas.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s