Pag-aarmas ng mga sibilyan, pinangangambahan

Rey Tamayo, Jr.

Bunsod ng malawakang kaguluhan na nagaganap ngayon sa rehiyon ng Mindanao sa pagitan ng puwersa ng gobyerno (Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ) at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), pinangangambahan ngayon ng mga residente sa North Cotabato, Lanao del Norte, Sarangani at iba pang lugar sa Central Mindanao ang muling pag-aarmas ng mga sibilyan upang proteksyunan ang kanilang sarili.

Matatandaang inatake ng mga rebeldeng MILF ang ilang lalawigan sa Mindanao at walang awang pinagbabaril ang mga residente at sinunog ang kanilang mga bahay at ari-arian. Ang nasabing pagsalakay at pagpatay sa mga sibilyan kung saan pinamunuan nina kumander Bravo at kumander Umbra Kato ang nagtulak sa ilang residente upang muling ilunsad ang Christian vigilante group na tinatawag ngayong Reform Ilaga Movement na minsan nang kinatakutan dahil sa kanilang kakaibang istilo sa pagpatay sa mga kaaway.

Magugunitang unang binuo ang grupong ‘Ilaga’ noong dekada’ 70 nina mayor Nicolas Dequiña, Wenceslao dela Cerna ng Alamada, Pacifico dela Cerna ng Libungan, Conrado Lemana ng Tulunan, Esteban Doruelo ng Pigcawayan, Jose Escribano ng Tacurong sa lalawigan ng Cotabato , – at si dating Philippine Constabulary Captain Manuel Tronco upang labanan ang armadong grupo ng Mindanao Independence Movement (MIM) na inorganisa ni Cotabato Empire Province Governor Datu Udtog Matalam.

Agad namang nagbabala ang Malaca­ñang na hindi nila hahayaang mabuhay ang nasabing vigilante group. Sanabi ni Press Secretary Jesus Dureza na ang paggamit ng armas ng mga ‘Ilaga’ ay hindi nila pahihintulutan sapagkat illegal umano ang kanilang grupo at labag sa batas ang kanilang pag-aarmas.

Pinangangambahan din ang muling pagbuhay sa grupong ‘Barakuda’, ang mortal na kalaban ng mga ‘Ilaga’ noong kainitan ng gulo sa Mindanao noong 1970’s. Anila, kung sa paggising ng isang grupo ay tiyak na awtomatikong gigising din ang katunggali nito. Bukod dito, mayroon pang isinusulong na panukala ngayon na buhayin na rin ang Civi­lian Armed Forces for Geographical Unit o (Cafgu) kung saan lihetimo ang pag-aarmas ng mga sibilyan ngunit walang pormal na pagsasanay.

Kung mangyayari ang ganitong senaryo, tiyak na lalong gugulo ang ilang lugar sa Mindanao at hindi malayong magkaroon ng civil war sa rehiyon.

Nag-ugat ang nasabing kaguluhan nang ipatigil ng Korte Suprema ang nakatakdang sanang lagdaan sa pagitan ng Government of Republic of the Philippines (GRP) sa pangunguna nina (Government peace panel chief Rodolfo Garcia , Presidential Adviser on the Peace Process Hermogenes Esperon Jr.) at ng separatistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa Malaysia noong August 5, 2008.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s