Kailangan at Kailan?

Rey Tamayo, Jr.

Ikaw ay ginipit nang laksang sanggano,

Pinasamang pilit ng mga berdugo.

Ang dulot ay pait sa sariling mundo,

Ligaya’y ginupit ng hidwaa’t gulo.

Tinangkang patayin ang aba mong buhay,

Isang libong pain kan’lang inilagay.

Budhi’t pagkatao’y nais maging bangkay-

At ang prinsipyo mo’y, ilibing sa hukay.

Ang mga kalaban hindi tumitigil-

Gawang kasamaan ang hangad at dahil.

Nais mang lumaban tiyak may pipigil,

Ang dangal ng bayan ang siyang susupil.

Bagsik ng espada ang dulot ay hidwa,

Aklasan ng madla’y di dapat mag gera.

Kaya’t umiwas ka, sa punglo’t sandata!

At itong pag-asa’y kelan mabibista?

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s