Tao at Digma

Rey Tamayo, Jr.

Kung makagagapos lamang ang luha’y,

Malaon nang nasaklot ang guni-guni sa Hades.

At ang langkay ng mga buwitre’y bundat na–

Sa pagnanasa’t lasing sa malapot na dugo.

Kaluluwa’y nakasalang sa lagablab na apoy,

Habang tinutupok ang dunong at ulirat.

Upang ihandusay sa Golgota,

Ang mga kalansay at bungo ng kahapon.

Mga ngipin’y nangangalit sa galit,

Habang ginagahasa ang lakas ng kamao–

Na ibig nang humawak ng tabak at punglo;

Na ipangpupuksa sa anino ng burgisya.

Kung humulagpos man ang pag-asa,

Sa animo’y nakasusulasok na kamandag;

ng serpeyenteng uhaw sa pakikibaka–

At ng sigbin na alipin ng elitista.

Dapat lang tumindig upang bumigwas,

Ang pagkataong luray sa pang-aalipin.

Titindig at muli pa’y titindig ang tao,

Bago magtaliwakas ang di kawasang digma.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s