Kauna-unahang Mobile Radio Booth, Inilunsad

PHOTOS BY: PHOTOVILLE INTERNATIONAL

 

Rey Tamayo, Jr.

Sa kauna-unahang pagkakataon, inilunsad sa publiko sa pamamagitan ng UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon ang First Mobile Radio Booth sa bansa.

Ito ay kasabay ng opisyal na pagsasahimpapawid ng UNTV Radio La Verdad 1350khz na may tagline na “Tapat at Totoo sa Serbisyo Publiko” na ginanap sa One Esplanade, SM Central Business Park, Pasay City, kamakailan.

Ang nasabing proyekto ay bahagi pa rin ng adbokasiya ni Kuya na lalo pang mapaigting ang serbisyo publiko at paglilingkod bayan para sa ating mga kapwa tao.

“Ito’y panibago nating behikulo para magamit sa pamamahayag at ito’y kasabay ng UNTV at ito ang UNTV Radio, at kung nakikita niyo ito, ang ating UNTV Radio Mobile Booth at ito’y pwedeng iparada, dalhin…parang dala mo yung radio booth mo kahit saan ka magpunta at ito ang gagamitin natin sa iba’t ibang coverage natin,” wika Kuya Daniel.

Ayon sa Pangulong ng AdSpeak na si Mr. Lito Bamba, ang kompanyang gumawa ng nasabing Mobile Radio Booth, aminado siyang nahirapan siyang gawin ang nasabing proyekto ngunit pinilit niyang maisakatuparan upang makatulong na mapaglingkuran ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng paghahatid ng makabuluhan balita. Ayon pa kay Bamba, humahanga siya sa mga kakaibang konsepto at ideya na inilulunsad ni Kuya Daniel sa larangan ng pamamahayag.

“Pero ito yung ideya ni kuya, talagang kakaiba, well patunay na dumaan nga sa Senado kanina, maraming nagulat na media, so I hope yung iba magsusunuran na rin sa idea ni Kuya at talagang makapag serbisyo din sa publiko ng tamang pagbabalita,” ani Bamba.

Isa rin sa mga pangunahing layunin ni Mr. Public Service ay ang pagnanais niyang muling maibalik ang “Glory days” ng radyo at malaman ng publiko ang tunay na esensya ng pagkakaroon nito at maging alternatibong behikulo ng malayang pamamahayag.

“Hindi naman natin kinokontra ‘yung idea ng paglalagay ng radyo sa telebisyon. In the first place, eh, ako ang isa sa mga unang sumalang sa ganung klase nung nasa kabilang himpilan pa tayo. Ang sa akin lang ay ‘yung maibalik natin yung naiwawala na ngayon sa radyo. So, anybody can do whatever it is na nasa idea nila at konsepto nila. Ang sa akin, mayroon akong nakita at nararamdaman na nawala ang glory ng radyo dahil doon sa paglaganap nga noong nakikita ‘yung mga announcers din at the same time dahil nasa loob ng booth ng radyo, napapanood na rin. So, sa akin lang eh, may mga bagay ako na gustong habulin pa rin siguro para doon sa sariling mundo rin ng radyo na dapat, eh, ginagalawan niya at dapat eh naa-achieve ng mga nakikinig. So, that’s one of those things na gusto kong magawa sana with the UNTV Radio,”ani Kuya.

Nais din niyang madala ang mga radio news anchor sa mismong lugar na kung saan may maiinit na isyu o pinangyarihan ng partikular na balita upang personal nila itong makikita at makapagbigay ng komentaryo at opinyon hinggil sa mga naturang usapin.

Maaari rin umanong mahingan ng tulong ng ating mga kababayan ang nasabing UNTV Radio Mobile Booth saan mang lugar sila maratnan nito tulad ng mga libreng panawagan, mga suhestiyon na nais iparating sa mga kinauukulan at iba’t ibang paraan ng paghahatid ng tunay na serbisyo publiko .

“Ang pagpapatuloy ng ating public service, dun tayo naka-concentrate at mga karagdagan pang public service na ating isinasagawa. At yan ay tuluy-tuloy, sinusustinihan natin. And, of course, yung iba’t ibang pamamaraan at iba pang public service na ating uumpisahan at yung mga dati pa na atin namang itutuloy,” pahayag ni Mr. Public Service.

Leave a comment

No comments yet.

Comments RSS

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s