Mental Health Law

Rey Tamayo, Jr.

Napapanahon ang pagsasabatas ng Mental Health Law sa bansa bunsod na rin ng pangangailangan ng publiko lalo na’t tinatayang umaabot sa 7 Filipino ang nagpapakamatay kada araw at isa sa bawat 5 Filipino ay mayroong namang mental disorders.

Iginiit ni Sen. Risa Hontiveros, may-akda ng Mental Health Law, isa sa mga pangunahing dahilan  sa pagbalangkas ng  nasabing health care law ay ang nakababahalang pagtaas ng kaso ng deppression at suicidal rate.

Ayon sa datos ng World Health Organization noong 2011, 16% ng mga Pilipinong mag-aaral na edad 13 hanggang 15 ang nakakapag-isip na mag-suicide, habang 13% naman ang nagtangkang magpakamatay. Ang pagkalulong sa alak o alcoholism, labis na pagkabalisa o anxiety at pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot ay ilan sa mga karaniwang mental health problems na nararanasan ng mga Pilipino.

Malaki rin ang maitutulong ng nasabing batas sa malawakang kampanya ng kasalukuyang administrasyon sa war on drugs. Kinikilala ng batas na ang pagkalulong sa droga ay isang sanhi ng problemang pangkaisipan na kailangan maaksyunan ng pamahalaan.

At dahil sa Mental Health Law ay maisasama na ang kalusugang pangkaisipan sa general healthcare system ng bansa.

Ilan sa magandang probisyon ng batas ang abot kamay ng mga serbisyong medikal at psychotherapeutic service sa mga siyudad, munisipyo hanggang barangay health center.

Base naman sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umabot sa 1.3 milyon ang mga sumukong drug user at pusher sa unang taon ng kampanya kontra ilegal na droga at patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga ito.

Pangunahing layunin ng Mental Health Care na maging affordable, accessible at equitable hanggang sa barangay level. Nakapaloob sa nasabing batas na sakop na ngayon ng PhilHealth ang hospitalization sa pasyente ng acute attacks of mental at behavorial disorders sa package rate na P7,800.

Sa depinisyon ng World Health Organization, ang mental health ay ang estado ng kagalingan ng isang tao kung saan nagagamit niya ang kaniyang potensyal na kakayanan upang harapin ang mga stress o suliranin sa buhay bagay na ikinabibigo ng ilan nating mga kababayan.

Kaya’t …Kudos sa lahat ng opisyal na nasa likod upang maisabatas ang Mental Health Law!

Advertisements

PLUMA writing workshop

post

Baybayin

Rey Tamayo, Jr.

 
Malaki ang maitutulong sa paghubog ng nasyonalismo lalo na sa mga kabataan kung sakaling tuluyang maisabatas ang National Writing System Act na kapwa dinidinig sa Kamara at Senado.

 
Kamakailan, inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukalang batas na magdedeklara sa Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat sa Pilipinas.

 
Nakasaad sa House Bill 1022 o ‘National Writing System Act’ na inakda ni Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil, na bigyang halaga at paunlarin ang Baybayin sa bansa.

 
Magugunitang ang Baybayin ay isang pre-Hispanic writing system sa bansa na ginagamit ng mga sinaunang Filipino bago pa man dumating sa bansa ang mga dayuhan.

 
Mandato ng nasabing panukala batas ang lahat ng mga manufacturers ng lokal na produkto na gamitin ang Baybayin at mailagay ang salin o translation nito sa label ng mga produkto.

 
Inaatasan din nito ang mga lokal na pamahalaan na maglagay ng Baybayin ang mga pangalan ng kalsada, istasyon ng mga bombero at pulis, pampublikong pasilidad o gusali, ospital, community centers at mga government halls.

 
Suportado naman ng Department Of Education (DepEd), National Commission for Culture and Arts (NCCA) at iba pang advocacy group ang naturang panukala batas.

 
Samantala, sa Senado nakabinbin pa sa komite ni Sen. Nancy Binay ang kahalintulad na panukalang batas ang Senate Bill NO. 433 (An Act Declaring “Baybayin” as the National Writing System of the Philippines, providing for its promotion, preservation and conservation, and for other purposes) na iniakda naman ni Sen. Loren Legarda.

 
Kung tuluyang maisasabatas ang National Writing System Act, pangungunahan ito ng NCCA, DepEd, Department of the Interior and Local Government, at Commission on Higher Education upang balangkasin ang implementing rules and regulations.
Tulad ng ilang bansa sa Asya, nananatiling matibay at buhay ang diwa ng pagiging patriotismo –

 

Ang bansang Hapon na mayroong dalawang uri ng sistematikong paraan ng pagsulat ang Hiragana at Katakana. Ang ipinagmamalaking Arabic script bilang paraan ng pagsulat sa mga bansa sa Gitnang Silangan partikular na sa Saudi Arabia. At ang Hànzì (simplified Chinese: 汉字; traditional Chinese: 漢字, ng bansang Tsina.

 
Kaya’t marapat lang na suportahan ng publiko ang pagsusulong ng Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat na maipagmamalaki ng bawat Filipino.

Kontrobersiya sa Dengvaxia

Rey Tamayo, Jr.

Naging kontrobersiyal na usapin ang anti-dengue vaccination program ng Department of Health matapos na mabunyag sa publiko ang umanoý  maanomalyang proseso ng pagbili sa nasabing mga bakuna. At ang higit na pinangangambahan lalo na ng mga magulang ay ang masamang epekto nito sa mahigit na 830,000 na mga bata na naturukan ng Dengvaxia.

Isa sa mga hakbang na kasalukuyang ginagawa ng DOH ay ang pagtatalaga ng expert panel upang mag-imbestiga sa mga kasong may kaugnayan sa Dengvaxia at ang pagmomonitor sa posibleng adverse effect sa mga batang nabakunahan sa susunod na tatlong taon.

Hinikayat din ni Health Sec. Francisco Duque na agad na magsadya sa DOH ang mga magulang ng mga bata at ipatala ang kanilang mga anak upang matutukan ang kanilang mga sitwasyon at makasama sa listahan kung sakaling magbigay ng danyos ang sinumang mapapatunayang nagpabaya sa palpak na vaccination program.

Bagama’t nauna ng nagbalik ang French pharmaceutical firm na Sanofi Pasteur ng aabot sa 1 bilyon para sa mga hindi nagamit na mga bakuha ngunit iginiit ng DOH na ibalik ang tinatayang P3 bilyon na kabuoang ibinayad ng pamahalaan (Aquino administration) sa Dengvaxia vaccines.

Aminado rin ang Senado na minadali ng Department of Health (DoH) ang pagbili ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccines. Iginiit ni Sen. JV Ejercito, Chairman ng Senate Committee on Health, na hindi isinaalang-alang ng DoH ang pag-iingat bago ang implementasyon ng anti-dengue vaccination program.

Sa kasalukuyan, mayroong labinglimang (15) mga bata na ang namamatay na naturukan ng nasabing bakuna na iniuugnay sa Dengvaxia vaccines at inaasahang lolobo pa ang bilang sa mga susunod na araw.

Tiniyak naman Public Attorney’s Office (PAO) sa publiko na patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon sa mga napaulat na mga batang namatay at magsasampa ng kaukulang kaso sa mga nasa likod ng maanomalyang dengue vaccine. Inihahanda na rin ng PAO ang mga civil cases sa mga dating opisyal ng DOH na sangkot sa pagbili at maling implementasyon ng naturang bakuna sa kabila ng mapanganib na epekto nito.

Sinu-sino nga ba ang mga nakinabang sa naturang programa na ang pondoý mula sa kaban ng bayan? Sinu-sino ang dapat sisihin sa palpak na anti-dengue vaccination program? At sinu-sino ang mga naipit lamang sa sitwasyon?

Eksperimento nga ba umano ang ginawa ng Sanofi Pasteur dahil hindi pa natatapos ang clinical trial ay ibinenta na ito sa Pilipinas?

Ngunit sa nasabing pangyayari, higit na mas apektado si Juan Dela Cruz lalo na ang mga walang kamalay-malay na mga bata sa posibleng panganib na kanilang kahaharapin. Huwag naman sana.

Panganib ng Fraternity Hazing

Rey Tamayo, Jr.

Muli na namang naungkat ang usapin hinggil sa hazing matapos na masawi sa initiation rites ang isang UST law student na si Horacio Castillo III na miyembro ng Aegis Juris Fraternity.

Bagama’t umiiral na ang RA 8049 o mas kilala sa tawag na Anti-Hazing Law noon pang taong 1995 ngunit patuloy pa ring nauulit ang mga senaryo na kung saan ay may namamatay sa mga bagong miyembro na papasok sa fraternity, sorority o sa iba pang mga organisasyon.

Marami ang nagpapanukala kabilang na sina Senator Franklin Drilon at Senator Juan Miguel Zubiri na dapat na umanong amyendahan ang naturang batas dahil sa hindi umano ito kongreto at may mga
butas tulad ng nakasaad sa Section 2. Pinapayagan pa rin umano ang pagsasagawa ng hazing at initiation activity kung magsusumite ng notice ang fraternity sa opisyal ng paaralan.

Ngunit depensa naman ng pangunahing may akda ng Anti-Hazing Law na si dating Senator Joey Lina, may kapangyarihan umano ang kasaluluyang batas ang problema lang umano ay hindi istriktong naipatutupad. Mas makabubuti rin na ikonsidera ang kaniyang orihinal na bersyon na inaprobahan noon ng Senado at huwag i-‘repeal’ o tanggalin na isinusulong ng ilang mambabatas dahil malaki ang magiging epekto nito sa mga kasong kasalukuyang iniimbestigahan at dinidinig sa mga korte.

Sa halos mahigit na dalawang dekada, isang kaso pa lamang ang masasabing nagkaroon ng conviction sa mga suspek na dinesisyunan ng Korte Suprema, ito’y kaugnay sa kaso ni University of the Philippines Los Banos student Marlon Villanueva na brutal na pinatay noong 2006 ng ilang miyembro ng Alpha Phi Omega fraternity. Sa naturang kaso, nahatulan ng Reclusion Perpetua ang dalawang pangunahing suspek na dinesisyunan noong 2015.

Matatandaang ang pagkamatay ni Leonardo Villa sa kamay ng mga miyembro ng Aquila Legis Juris Fraternity noong February 1991 ang nagbunsod upang maisabatas ang Anti-Hazing Law.

Sa nasabing batas (RA 8049), ang sinumang mapatutunayang lumabag ay maaaring sampahan ng kasong kriminal at maparusahan tulad ng mga sumusunod:

Reclusion Perpetua (life imprisonment) – kung ang biktima ay namatay, ginahasa, nagtamo ng pinsala ang katawan (mutilation.)

Reclusion Temporal – kung ang biktima nawala sa katinuan ang pag-iisip, nabaliw, nabulag, nawala ang pandinig, pang amoy, naputulan ng paa, kamay, atpb.

Prison Mayor – kung ang biktima ay nagkasakit, o hindi na nakagagawa ng kaniyang regular na ginagawa at kinakailangan ng medical assistant.

Prison Correccional – kung ang biktima ay nagkaroon ng physical injuries ngunit hindi naman nangangailangan ng medical assistant.

Ayon din sa mga pag-aaral, isa sa panganib na maaaring maranasan ng isang miyembro na mapapasama sa fraternity, sorority, at iba pang organisasyon o kapatiran na may maling pamamalakad ay ang mga sumusunod:

* Nagagamit ang miyembro sa paggamit ng droga, paggawa ng krimen, na sa una ay pinagagawa lang bilang pagsubok.

*Pumapayag ng kusa ang ibang kababaihan na maabuso ng sekswal.

*Madalas ay naililihim ang hindi magandang gawain ng grupo sa mga magulang at kasamahan sa pamilya dahilan upang masira ang maayos na relasyon sa pamilya.

*Kung paanong pinahirapan ang miyembro bago maging regular na kasapi ay ganoon din, at madalas ay sobra pa ang ginagawa nilang pahirap sa mga bagong gustong umanib. Kaya marami ang namamatay sa initiation pa lang.

NUJP website is back

Statement – National Union of Journalists of the Philippines

The National Union of Journalists of the Philippines deplores the glaring impunity with which the state’s security forces increasingly violate people’s basic rights.
 
We will mince no words here. What happened at the US embassy on Wednesday, when a weaponized police van was used against protesters, was a clear case of violence by the state against its own people.
Members of media were not spared.
 
Wences Balinguit of Southern Tagalog Exposure was arrested by the Manila Police District despite having identified himself as a journalist. And Jaja Necosia of Kilab Multimedia was shooting video of a policeman assaulting one of the passengers in a jeepney that was already leaving the area when he was punched by the officer. Pictures of this incident indicate the officer was the same PO3 Franklin Kho who ran over protesters with the police van.
 
Video footage of the dispersal’s aftermath also showed heavily armed SWAT personnel heckling reporters and trying to block cameramen covering the arrest of an injured protester.
 
Earlier in the day, in Antipolo City, reporter Olan Bola of radio station dzBB found himself arrested and slapped with obstruction of justice charges when he tried to interview a security guard and an officer identified as PO2 Puruganan while covering a hit-and-run incident. Bola’s blood pressure shot up while he was being held at the Antipolo station and had to be taken to the Klinika Antipolo, where he was treated under police guard.
 
We have received other reports of state agents attempting to prevent journalists from doing their work and even threatening them if they persist.
 
All this, of course, is happening within the bigger picture of the wanton violation of that most basic right – to life – in a “war” in which human rights and due process are seen as nuisances and those supposed to serve and protect and enforce the laws are assured of immunity for any “collateral damage” they may cause. Where perception, no matter if based on misinformation or outright prevarication, is held as more important than the truth, and the truth-tellers treated as the enemy for belying the preferred narrative.
 
To be sure, impunity has been with us for a long, long time, fueled by official apathy toward violations of people’s rights and the aversion of government after government to dissent. 
 
It is clear from where this impunity springs. We have always said that what leaders say or do not say, what they do or do not do, resound among those who believe in them and will often be taken as gospel truth or even marching orders.
 
Thus, the silence of past presidents to the wanton violation of rights helped fuel the impunity with which these rights were regularly violated by agents of the state and their cohorts.  But never, and again we mince no words, have we ever had a leader, President Rodrigo Duterte, who has so openly dismissed human rights and repeatedly exhorted law enforcers that they are above the law, who has regularly and publicly wished death and mayhem on those he perceives as the enemy.
 
While we may demand – and we DO demand – an immediate investigation and swift action on these assaults on the freedoms of the press and free expression, even if our demands are met, so long as the signals emanating from the center of power continue to see the rights and liberties of the people as obstacles rather than ideals to be protected and expanded, we hold little hope that such gross disregard for basic rights will end soon.

Reference:
Dabet Panelo
NUJP Secretary General
NUJP Hotline 09175155991