“Balita”

Balita

by Asin

 

Chorus:

Lapit mga kaibigan at makinig kayo
ako’y may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais kong ipamahagi ang mga kwento at
ang mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako

I
Ang lupang pinanggalingan ko’y may bahid ng dugo
may mga lorong di makalipad nasa hawlang ginto
may mga puno walang dahon
mga pusong di makakibo
sa mga pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako

II
Mula ng makita ko ang lupang ito
nakita ko rin ang munting apoy sa puso ng tao
ginatungan ng mga kabulukan hanggang sa lumago,
ngayon ang puso’y may takot sa lupang ipinangako
(Repeat chorus)

III
Dati rati ang mga bukid ay kulay ginto
dati rati’y ang mga ibon sinlaya ng tao
dati rati ay katahimikan, ang musikang nagpapatulog

sa mga batang walang muwang sa mundo

IV
Ngayon ang lupang ipinangako ay nagsusumamo
patakan n’yo ng luha ang apoy sa kanyang puso
dinggin n’yo ang mga sigaw ng mga puso
ng taong una n’yong dadamhing kabilang sa inyo

V
Duul mga kaigsuunan nugpaminaw kamo
duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
gusto ko nga i pahibalo ang mga istorya

nga nagagahitabu sa banwagisa na to

 

 

 

 

Advertisements

Tao at Digma

Rey Tamayo, Jr.

Kung makagagapos lamang ang luha’y,

Malaon nang nasaklot ang guni-guni sa Hades.

At ang langkay ng mga buwitre’y bundat na–

Sa pagnanasa’t lasing sa malapot na dugo.

Kaluluwa’y nakasalang sa lagablab na apoy,

Habang tinutupok ang dunong at ulirat.

Upang ihandusay sa Golgota,

Ang mga kalansay at bungo ng kahapon.

Mga ngipin’y nangangalit sa galit,

Habang ginagahasa ang lakas ng kamao–

Na ibig nang humawak ng tabak at punglo;

Na ipangpupuksa sa anino ng burgisya.

Kung humulagpos man ang pag-asa,

Sa animo’y nakasusulasok na kamandag;

ng serpeyenteng uhaw sa pakikibaka–

At ng sigbin na alipin ng elitista.

Dapat lang tumindig upang bumigwas,

Ang pagkataong luray sa pang-aalipin.

Titindig at muli pa’y titindig ang tao,

Bago magtaliwakas ang di kawasang digma.

Ang Panitik

Rey Tamayo, Jr.
Pinanday, inukit doon bartolina,
Alab ng panitik ibig makalaya.
May hagkis ang titik, may bulong ang letra;
May bangis ang halik ng bantay at bala.

Kaluluwa’y pagod sa huwad na hatol,
Tanikalang birtud sa sigwa’y pagtutol.
Sino pang lulunod sa sumpang ataol?
Sino pang tatanghod sa dakong may burol?

Ako man’y piitin sa bulok na karsel,
At gawing alipin ng berdugong baliw.
Kahit na patayin ang ulirat, aliw,
Di kayang panasin ang pluma ko’t papel.

Ani 34 Book Launch

ani34_einvite

Kailangan at Kailan?

Rey Tamayo, Jr.

Ikaw ay ginipit nang laksang sanggano,

Pinasamang pilit ng mga berdugo.

Ang dulot ay pait sa sariling mundo,

Ligaya’y ginupit ng hidwaa’t gulo.

Tinangkang patayin ang aba mong buhay,

Isang libong pain kan’lang inilagay.

Budhi’t pagkatao’y nais maging bangkay-

At ang prinsipyo mo’y, ilibing sa hukay.

Ang mga kalaban hindi tumitigil-

Gawang kasamaan ang hangad at dahil.

Nais mang lumaban tiyak may pipigil,

Ang dangal ng bayan ang siyang susupil.

Bagsik ng espada ang dulot ay hidwa,

Aklasan ng madla’y di dapat mag gera.

Kaya’t umiwas ka, sa punglo’t sandata!

At itong pag-asa’y kelan mabibista?

Halik ng malupit

Rey Tamayo, Jr.

Alab ng himagsik kumawalang pilit,

Nang biglang humibik matapang na langit.

Pag-asa’y pinitik; kapalit ay galit–

At naging mabagsik kamaong kay bait.

List of Winners 2008 Haiku Contest

3RD PINOY HAIKU CONTEST

LIST OF WINNERS IN FILIPINO CATEGORY

* 1 *

Ginagabing tutubi’y

Binunggong pilit

Ang nakakwadrong bukid.

Manolito C. Sulit

Pangao, Ibaan, Batangas

* 2 *

natatangi kong hiling

ihip ng hangin

sana ay makapiling

Philip Henry C. Billones

De La Salle University, Taft Ave., Manila

* 3 *

Ang lakas ng kiliti

Dahong marikit

Daplisan mo’t tutupi

Ma. Angelica Lumain

De La Salle University, Taft Ave., Manila

* A *

Tinig n’yang umiiyak

Kulog at Kidlat

Hampas sa taong bundat

Rhodora Enriquez

San Miguel Subd., Muzon, Taytay, Rizal

* B *

labuyo ay hinog na

kita ng maya

‘tay, ani mo konti na

Armando B. Matunog

La Paz, Makati City

* C *

Mabangis na habagat

may dalang ugat,

Nang magalit ang dagat.

Reynaldo M. Tamayo, Jr.

Bgy. San Isidro, Sucat Rd., Parañaque City

* D *

Uhaw na lupa, Ulan!

aking Bathala,

Munting binhi, Pag-asa!

Andrei Viktor P. Valdez

Modesta Village, San Mateo Rizal

* E *

Kumukulo ang dagat

Sa paglublob ng

Nagliliyab na araw

Anna Cristina G. Nadora

University of the Philippines, Diliman, Quezon City

* F *

Bulaklak na kay ganda

Bango ang dala

Handog sa sinisinta.

Joanna Marie V. Lascano

Pasig City Science High School, Pasig City

* G *

Higad ma’y nag-aayos

Sabik na maging

‘sang paru-parong lubos

Maritess B. Oguing

Upper Bicutan, Taguig City

* H *

gumuhong kabundukan

Gintong damuhan

Ito’y hindi tahanan

Ever Laberinto Peralta

Adamson University, Manila

* I *

Ang palaka’y lumukso:

binasag ang b’wan……

at gabing kay tahimik!

Antonio C. Go

Marian School of Quezon City, Novaliches, Quezon City

* J *

Ang paro-paro

Na may malaking pakpak

Pumapalakpak

Ryan Villadolid Diaz

De La Salle University, Taft Ave., Manila

3RD PINOY HAIKU CONTEST

LIST OF WINNERS IN ENGLISH CATEGORY

* 1 *

Looming lush rice fields

Heads bowing with heavy grain

Feasting time is near

Joseph Abrigo

De La Salle University, Taft Ave., Manila

* 2 *

Boat-shape, dream-filled moon

Sailing in a sea of stars;

Leads me to the shore.

Richard Heisen G. Menor

St. Augustine Seminary, Calapan City

* 3 *

A bee and a rose,

locked lips in pollination;

such beauty, behold!

Gardhen Claveria

Ibiza, Baleares , Spain

* A *

Fireflies o’er the pond,

Gazing at their reflections –

’twas a starry night.

Jeferson Biangco Zerrudo

Tanza II, San Jose, Antipolo City

* B *

peeping face of dawn

spreading yellow spindles

piercing wayward storm

Ma. Teresa Gargarita Generales

Old Sta. Mesa, Manila

* C *

A fresh bloom’s first blush.

A butterfly hovers near,

To give the first kiss.

C. Horatius H. Mosquera

Nayong Silangan, Antipolo, Rizal

* D *

amongst withered leaves

a maya perched on the branch

shook a few, and stilled

Angela E. Rodrigo

Brgy. Mayamot, Antipolo Rizal

* E *

Wide and radiant fields

Where my memories are sown

Future tales to tell

James Daniel L. Custodio

Vergonville Subdivision, Las Pinas City

* F *

On fine sands I rest,

Awed by your endless beauty,

My heaven, my sea.

John Carlo H. Cenojas

San Pedro College, Davao City

* G *

Crystal drops of cloud

Gently fade in the bold sun

A rainbow appears

Fenella C. Carpena

BF Homes, Las Pinas City

* H *

Dews gathering strength

Weighing down the blades of grass

Waiting perfect fall.

Von Ryan Villaruz Alovera

Poblacion, Pilar, Capiz

* I *

Metamorphosis

Silent, fleeting in cosmos
Sentimental spark

Carla Camille L. Mendoza

University of Santo Tomas, College of Nursing

* J *

waves rushed to the shore

forcing himself upon her

engulfing her whole

Raymond C. del Rosario

Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan